December 15, 2025

Home SHOWBIZ

Dahil kay Arjo: IG posts ni Sylvia Sanchez, pinutakti ng netizens!

<b>Dahil kay Arjo: IG posts ni Sylvia Sanchez, pinutakti ng netizens! </b>
Photo courtesy: sylviasanchez_a (IG)


Binaha ng komento at mga reaksiyon ang Instagram (IG) posts ng aktres na si Sylvia Sanchez, matapos madawit ang pangalan ng kaniyang anak na si Quezon City First District Rep. Arjo Atayde sa mga kongresistang nakatanggap umano ng “porsiyento” mula sa mga proyekto ng Discaya.

Sa ginanap na pagdinig sa Senate Blue Ribbon Committee noong Lunes, Setyembre 8, matatandaang isa si Rep. Atayde sa mga pangalang ibinunyag ng kontraktor na si Pacifico “Curlee” Discaya na mga opisyales ng pamahalaan na nakatanggap umano ng “porsiyento” sa mga proyekto nila ng kaniyang misis na si Sarah Discaya.

MAKI-BALITA: KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya-Balita

Mababasa ang ilang maaanghang na komento ng mga netizen sa IG posts ng aktres, na karamihan ay mga pasaring at pahayag ukol sa kaniyang pagiging ina, pati na rin ang kaniyang pagpapalaki umano sa anak.

Narito ang ilan sa mga komento at reaksyon ng netizens:

Samantala, hindi pa rin nagbibigay ng komento o reaksiyon si Sanchez ukol sa isyung ito.

Ngunit nauna nang itinanggi ni Rep. Atayde na may kinalaman siya sa mga akusasyon ni Discaya, na siya umano ay tumanggap ng “porsiyento” sa mga proyekto nito.

“I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor,” sabi ni Arjo. “I have never dealt with them. Hindi po totoo ang mga akusasyon na ito.”

MAKI-BALITA: Arjo Atayde, itinangging nakakuha ng porsiyento sa mga proyekto ng Discaya-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA