May 13, 2026

Home FEATURES Human-Interest

BALITAnaw: Si Queen Elizabeth II, ang “longest reigning British- monarch

BALITAnaw: Si Queen Elizabeth II, ang “longest reigning British- monarch
Photo courtesy: Unsplash

Si Queen Elizabeth II ay kinilala sa kasaysayan bilang “longest-reigning Monarch” hindi lang sa England kung hindi pati na rin sa buong mundo dahil sa 7 dekada niyang paninilbihan bilang reyna ng United Kingdom (UK) at ng iba pang Commonwealth na mga bansa. 

Bukod sa pagiging malaking pangalan sa kasaysayan, ang Mahal na Kamahalan ay isa ring simbol ng katatagan, karikitan, katapangan, at kakayahang makipagsabayan sa mundong patuloy na nagbabago. 

Isa ito sa mga dahilan kung kaya’t siya ay minahal hindi lamang ng mga Briton, kung hindi ng buong mundo na rin, at kinilala rin siya bilang isang “cultural icon.” 

Dahil dito, mas kilalanin ang Mahal na Kamahalan at kung ano ang ilan sa kaniyang mga naging legasiya: 

Kilala rin sa ilang mga opisyal niyang titulo bilang Defender of the Faith, at Head of the Commonwealth, si Queen Elizabeth II ay ipinanganak noong Abril 21, 1926 sa London, England, kay King George VI at Queen Mother Elizabeth.

Human-Interest

Hospital levels sa bansa na mahalagang malaman ng bawat Pinoy

25 taong gulang lamang ang Mahal na Kamahalan noong siya’y makoronahan bilang reyna, kung saan, siya’y nagkaroon ng modernong pamamahala habang maingat na pinangangalagaan ang mga tradisyon kaakibat ng kaniyang posisyon sa palasyo. 

Bukod sa pagiging reyna, ang Mahal na Kamahalan ay isa ring asawa kay Prince Philip, at ina kina King Charles III, Princess Anne, Prince Andrew, at Prince Edward. 

Para sa kaniyang 8 apo at 12 na apo sa tuhod, siya ang kanilang “Granny” ng mga ito, kung saan ayon sa ilang ulat, siya ay isang mapagmahal na lola na nagbibigay ng saya sa mga ito. 

Sa kaniyang pagiging reyna sa loob ng 70 taon, si Queen Elizabeth II ay nagkaroon din siya ng malaking gampanin sa mahigit 600 charity works na nakatulong para masuportahan ang iba’t ibang sektor tulad ng healthcare, elderly, wildlife, at ang mga kabataan sa pamamagitan ng fundraising at mga donasyon at panghihikayat ng active volunteerism. 

Kasama rin dito ang pakikipag-ugnayan niya sa iba’t ibang bansa bilang simbolo ng pagkakaisa at patuloy pagbuo ng matatag na relasyon sa mga lider.

At bukod sa mga ito, ang Mahal na Kamahalan ay nakilala rin sa kaniyang style, dahil mula sa kaniyang mga ternong damit, sumbrero, hanggang sa mga alahas, payong, sapatos, at bag, ang pagdadala niya sa sarili ay naging simbolo rin ng elegance, na hinangaan din ng publiko. 

Si Queen Elizabeth II ay hindi lamang isang reyna na matatandaan sa kasaysayan sa mga henerasyon na susunod, siya ay nakilala man sa publiko bilang isang cultural icon na mayroong malaking papel sa diplomasya at pagkakawanggawa, sa kaniyang pamilya, siya ay naging isang ulirang asawa, ina, at lola, na hindi matatawaran ng kahit ano pang pagkilala. 

Sean Antonio/BALITA