January 06, 2026

Home BALITA

'Veteran bloc' dinomina liderato ng Senado; Sotto, Lacson, Zubiri, pumosisyon!

'Veteran bloc' dinomina liderato ng Senado; Sotto, Lacson, Zubiri, pumosisyon!

Muling nagbalasahan ng liderato ang Senado matapos magkaroon ng halalan sa nasabing institusyon nitong Lunes, Setyembre 8, 2025.

Sa bisa ng naturang botohan, muling nagbabalik sa pagka-Senate President si dating Senate Minority Leader Sen. Vicente “Tito” Sotto III. Pinalitan niya sa posisyon si Sen. Francis “Chiz” Escudero.

Si Escudero ay nagsilbi bilang Senate Senate President noong 19th Congress at nanatili sa kaniyang posisyon sa pagpasok ng 20th Congress.

Samantala, kasama ni Sotto sa mga pumosisyon ang kapuwa mga beteranong senador na si Sen. Panfilo “Ping” Lacson kung saan hinalinhan niya sa posisyon sa pagka-Senate President Tempore si Sen. Jinggoy Estrada.

Metro

Updated! Road closures at re-routing ng mga sasakyan simula Enero 8, para sa Traslacion 2026

Habang si Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri naman ang pumalit sa dating posisyon ni Sen. Joel Villanueva bilang Senate Majority Leader.

Samantala, nilinaw naman ni Sotto sa panayam sa kaniya ng media na wala umanong kinalaman sa isyung kinahaharap nina Escudero at Villanueva, ang nangyaring pagbabago sa liderato ng Senado.

Inirerekomendang balita