December 13, 2025

Home FEATURES Trending

‘Tayo na lang?’ Usapan ng mag-BFF ‘pag wala pa silang jowa sa edad na 30, kinakiligan

‘Tayo na lang?’ Usapan ng mag-BFF ‘pag wala pa silang jowa sa edad na 30, kinakiligan
Photo courtesy: jxhana (TikTok screenshot)

“Me and my gay friend made a deal to end up together if we’re still single at 30,” ito ang caption sa viral social media post na kamakaila’y kinagiliwan at kinakiligan ng netizens. 

Sa nasabing viral post sa TikTok, makikitang nagkaroon ng “unexpected convo” tungkol sa kanilang lovelife ang mag-bestfriend habang pinag-uusapan ang kanilang mga klase at exam. 

“Bes, gusto ko ng magka-jowa,” pagsisimula ng nasabing “gay friend” 

“What if tayo na lang, Bes? 'Di ba, what if 25 na ako then 25 ka na tapos wala pa tayong jowa, tayo na lang?" ani naman ng girl best friend na si Johannah. 

Trending

KILALANIN: Ang pumanaw na PBA Legend na si Jimmy Mariano

"25? Really? Napakaaga naman. Mga 30. Dapat financially stable na muna ako kasi paano ko kayo bubuhayin?” pabirong saring ng kaibigan.

Umabot din ang tanungan ng dalawa sa kanilang pinaplanong edad ng pagpapakasal. 

“Ilang taon ka ba gusto magpakasal?” tanong ng best friend. 

“Mga ano siguro, 28, ikaw ba?” ani Johanah. 

“Pag-28 ka na,” pagsang-ayon naman ng kaniyang best friend. 

Kung kaya nama’y umani ng mahigit 600K engagement ang Tiktok video at mga kuwelang komento mula sa netizens. 

“Lavender marriage ang atake mga ga hahaha”

“plot twist: naging sila talaga bago mag 28” 

“Bat ka nakangiti kasali ka?”

“Game name: tagu-taguan ng feelings”

Kasama rin sa comment section ang tila “gumatong” pa sa kilig na dala ng nasabing video. 

"dapat financial stable muna ako, bes, pano ko kayo bubuhayin? " what if siya na talaga ”

“no but his mindset! he wants to provide”

“invited po ba lahat kami pag kinasal na kayo?” 

“WALANG MAGJOJOWA TILL 30!! INVESTED NA AKO DITO” 

Ang ilan naman ay nagawang magkuwento ng kanilang sariling karanasan sa kanilang “gay best friend.” 

“Me sa Gay friend ko... "Alam mo sayang height mo, gwapo ka at matalino. Sure ako pag naging lalaki ka mdaming magakakagusto sayo" Him : "Sige deal. Basta ikaw agad jowa ko" Hahahaha shockssss di ko kayaaaa ”

“Me and my Gay Best Friend could never HAHAH We’re exes before haha so NO for me na. Mas gustohin ko na lang maging single, I guess were compatible as Best Friend.” 

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Johanah, binanggit niyang naging magkaibigan sila ng kaniyang bestfriend noong 2024, at dito rin ay kinumpirma niyang random lang talaga ang convo dahil maging siya ay hindi rin alam paano napunta sa love life ang kanilang usapan. 

Nang tanungin naman tungkol sa kanilang kumbersasyon, pangalawang beses na raw itong napag-uusapan ng dalawa. 

“Actually, napag usapan na po namin ‘yon pero napag-usapan po namin ulit no’ng nag coffee kami nung gabing ‘yon,” pagbabahagi niya. 

At kung mangyari nga raw na maging 30 na sila at manatili pa ring single, masaya naman daw nilang tutuparin ang naging kasunduan. 

“Hindi naman po namin alam ang future pero if we will end up together in our 30’s, masaya naman po siguro kami dahil kusa po naming pipiliin ang isa’t isa kung masaya kami sa desisyon na iyon,” aniya. 

Sean Antonio/BALITA