December 15, 2025

Home BALITA

Pondo ni QC Rep. Rillo galing sa ‘unprogrammed funds,’ ‘insertions’ na aprubado umano ni HS Romualdez—Curlee Discaya

Pondo ni QC Rep. Rillo galing sa ‘unprogrammed funds,’ ‘insertions’ na aprubado umano ni HS Romualdez—Curlee Discaya
Photo Courtesy: Marvin Rillo (FB), Senate of the Philippines (YT), via MB

Isa-isa nang pinangalan ni Curlee Discaya ang mga mambabatas at opisyal na sangkot sa katiwalian sa likod ng mga proyekto ng gobyerno.

Sa Senate Inquiry ng Blue Ribbon Committee nitong Lunes, Setyembre 8, sinabi ni Curlee na lahat umano ng hinihinging pondo ni Quezon City 4th district Rep. Marvin Rillo ay mula sa “unprogrammed funds” at “insertion” na aprubado umano mismo ni House Speaker Martin Romualdez.

“Si Cong. Marvin Rillo naman ay ilang beses binabanggit ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez bilang kaniyang malapit na kaibigan,” lahad ni Curlee. 

“Sa tuwing umiinom kami sa Wine Story sa BGC at EDSA Shangri-La Mall,” pagpapatuloy niya, “sinasabi pa ni Cong. Rillo na lahat ng kaniyang request para sa pondo ay galing pa mismo sa unprogrammed funds at insertion na inaaprubahan ni Speaker.”

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Dagdag pa ni Curlee, “Ang tauhan ni Cong. Rillo na si Bogs Magalong ay pumupunta sa amin para kunin ang pera sa aming opisina o sa Wine Story.”

Matatandaang ikaapat na distrito ng Quezon City ang may pinakamarami umanong pondo sa flood control projects ayon mismo sa alkalde ng lungsod na si Mayor Joy Belmonte.

Naluklok si Rillo bilang kongresista sa naturang distrito noong 2022 at kalunan ay tinalo siya ni Suntay sa nakalipas na 2025 midterm elections.

Maki-Balita: Siwalat ni Belmonte: Disctrict 4 ng QC, nakakuha ng pinakamataas na budget sa flood control projects