December 13, 2025

Home BALITA

Palasyo sa rebelasyon ng mga Discaya: 'Ayaw ni PBBM mag-name drop nang walang basehan!'

Palasyo sa rebelasyon ng mga Discaya: 'Ayaw ni PBBM mag-name drop nang walang basehan!'
Photo courtesy: Screengrab RTVM, Senate of the Philippines

Nagkomento ang Malacañang sa mga rebelasyong isinawalat ng mga Discaya sa pagdinig ng Senado sa isyu ng flood control projects nitong Lunes, Setyembre 8, 2025.

Sa panayam ng media kay Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Claire Castro nitong Lunes, nilinaw niyang hindi raw nanaisin ng Pangulo na magbanggit ng mga pangalang isasangkot sa isyu ng flood control projects kahit na walang basehan.

"Ang nais ng Pangulo ay malawakang pag-iimbestiga at  malaman talaga natin ang katotohanan. Ang ayaw lang ng Pangulo ay yung magne-name drop nang walang ebidensya," ani Castro.

Matatandaang kabilang sa mga pinangalanan ni Curlee Discaya na pumuporsyento umano sa budget ng kanilang kontrata sa flood control projects ay si House Speaker Martin Romualdez na pinsan ni PBBM at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co.

Politics

'Grief and mourning are not the same!' Anak ni Enrile, may napagnilayan sa pagpanaw ng ama

“Karamihan sa mga kawani ng DPWH na nabanggit sa itaas ay paulit-ulit na binabanggit ang delivery ng pera ay para kay Zaldy Co, na dapat ay at least 25%,” ani Curlee.

Saad pa niya, “Si Cong. Marvin Rillo naman ay ilang beses binabanggit ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez bilang kaniyang malalapit na kaibigan.”

KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH offcials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co

Saad pa ni Castro, hindi rin umano nangangahulugan na ang lahat ng mga pangalanang nabanggit ay totoong sangkot sa nasabing isyu.

"Sabi nga natin, mahirap na basta-basta mag-name drop. Kailangan kumpleto ang ebidensya nila at ang mga nabanggit na pangalan ay ma-iimbestiga. Hindi naman ibig sabihin na ang lahat ng nabanggit ay talagang guilty na at pwede nang akusahan ninoman," anang PCO Undersecretary.

Kailangan din daw ng sapat na ebidensya para sa nasabing mga pahayag.

"Kailangan talaga mabigyan ang mga witnesses na may kinalaman sa mga facts o data about this, kailangan nila ng protection. Hindi naman 'yan ipagkakait ng pamahalaan," saad ni Castro.

Dagdag pa niya, "Ang mga binanggit ng mga Discaya ay makakatulong. Ang mas gusto natin ay kumpleto. Para sinuman ang involved ay maisama."