Umalma si “Eat Bulaga” host Maine Mendoza sa natanggap na batikos ng mister niyang si award-winning actor at Quezon City first district Rep. Arjo Atayde.
Ito ay matapos masangkot si Arjo sa listahan ng mga politikong tumanggap umano ng porsiyento mula sa mga proyekto ng Discaya.
Sa latest X post ni Maine nitong Lunes, Setyembre 8, inawat niyang ang publiko para patigilin sa pag-atake kay Arjo.
“Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out. I am with my husband in this. Wala siyang ginagawang masama sa loob,” saad ni Maine.
Dagdag pa niya, “I sincerely hope and pray that the people who are TRULY responsible will be held accountable and that innocent individuals be spared from this mess. Napak- unfair.”
Maki-Balita: KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya
Samantala, nauna nang pabulaanan ni Arjo ang paratang na iniugnay sa kaniya sa pamamagitan ng isang Instagram story.
“I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor,” sabi ni Arjo. I have never dealt with them. Hindi po totoo ang mga akusasyon na ito.”
Maki-Balita: Arjo Atayde, itinangging nakakuha ng porsiyento sa mga proyekto ng Discaya