December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Maine Mendoza sa akusasyon sa mister: 'I am with my husband in this!'

Maine Mendoza sa akusasyon sa mister: 'I am with my husband in this!'
Photo courtesy: Maine Mendoza (IG)

Nanindigan ang TV host-actress na si Maine Mendoza na mananatili siya sa tabi ng kaniyang asawang aktor at Quezon City District 1 Representative Arjo Atayde na nalagay sa kontrobersiya matapos ang pagkakabanggit sa kaniya ng contractor na si Curlee Discaya, na umano'y mga kongresistang kabilang sa mga nakinabang sa maanomalyang flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya

Sa X post ni Maine, malinaw niyang sinabing pawang alegasyon lamang daw ang ibinato sa kaniyang mister at "unfair" daw para sa asawa ang hate comments na natatanggap niya ngayon mula sa netizens.

"Teka lang muna, those are baseless allegations. Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out. I am with my husband in this. Wala siyang ginagawang masama sa loob," ani Maine.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

"He has been doing his best to serve the people of his district in Quezon City since the beginning. I sincerely hope and pray that the people who are TRULY responsible will be held accountable and that innocent individuals be spared from this mess. Napaka unfair," dagdag pa niya.

Photo courtesy: Screenshot from Maine Mendoza/X

KAUGNAY NA BALITA: Maine, umapelang itigil pag-atake kay Arjo: 'Napaka-unfair!'

Samantala, nagsalita na rin si Arjo patungkol sa naging pagbanggit sa kaniya ng mga Discaya.

"I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor,” sabi ni Arjo. I have never dealt with them. Hindi po totoo ang mga akusasyon na ito," anang aktor-politiko.

Dagdag pa niya, “I have never used my position for personal gain, and I never will. I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods.”

KAUGNAY NA BALITA: Arjo Atayde, itinangging nakakuha ng porsiyento sa mga proyekto ng Discaya