December 13, 2025

Home BALITA National

KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya

KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya
photo courtesy: Senate of the Philippines

Nagbigay ng joint sworn statement ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong Lunes, Setyembre 8, kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Ang mag-asawa ay may-ari ng St. Gerrard Construction Gen. Contractor & Development Corp. at Alpha & Omega General Contractor & Development Corp.

Sa naturang pahayag, pinangalanan ni Curlee ang mga politiko at DPWH official na 'di umano'y humihingi ng 10-25% share sa mga proyektong napanalunan nila.

"Matapos namin manalo sa mga bidding, may mga opisyal mula sa DPWH ang lumalapit sa amin para humingi at kumuha ng bahagi niya sa halaga ng proyekto," ani Curlee. "Ang hinihingi nilang porsyento ay hindi bababa sa 10% at umaabot pa sa 25% na naging kundisyon upang hindi maipit ang implementasyon ng kontrata."

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Dagdag pa, "Ito ay binibigay namin sa kanila ng cash. Ang bawat transaksyon ay may karampatang voucher at ledger na nagsasaad ng mga araw kung kailan nila ito natanggap."

Narito ang listahan ng mga kongresista na nabanggit ni Curlee:

1. Terrence Calatrava - dating Undersecretary ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas of the Pilippines
2. Cong. Roman Romulo ng Pasig
3. Cong. Jojo Ang ng Uswag Ilonggo Partylist
4. Cong. Patrick Michael Vargas ng Quezon City
5. Cong. Juan Carlos "Arjo" Atayde ng Quezon City
6. Cong. Nicanor "Nikki" Briones ng AGAP Partylist
7. Cong. Marcelino "Marcy" Teodoro ng Marikina
8. Cong. Florida "Rida" Robes ng San Jose Del Monte, Bulacan
9. Cong. Eleandro Jesus Madrona ng Romblon
10. Cong. Benjamin "Benjie" Agarao Jr.
11. Cong. Florencio Gabrial "Be," Noel ng An-Waray Partylist
12. Cong. Leody "Odie" Tarriela
13. Cong. Reynante "Reynan" Arrogancia ng Quezon
14. Cong. Marvin Rillo ng Quezon City 
15. Cong. Teodorico "Teodoro" Haresco Jr. ng Aklan
16. Cong. Antonieta Eudela ng Zamboanga Sibugay
17. Cong. Dean Asistio ng Caloocan
18. Cong. Marivic Co Pilla ng Quezon City

Samantala, isiniwalat din ng lalaking Discaya na mayroon ding mga opisyal ng gobyerno ang nakipagkita sa kanila upang manghing iumano ng porsyento kapalit ng mga proyekto. 

"Ang mga porsyentong ito (25%) ay ipinilit sa amin bilang karaniwang kalakaran nila ana wala akong kakayahang tanggihan," ani Curlee.

Narito ang listahan ng mga opisyal ng gobyernong sangkot umano sa panghihingi ng porsyento.

1. Regional Director Eduarte Virgilio of DPWH Region V
2. Director Roman A. Arriola III ng Unified Project Management Offices (UPMO)
3. District Engineer Henry Alcantara ng DPWH Bulacan 1st 
4. Undersecretary Robert Bernardo
5. District Engineer Aristotle Ramos ng DPWH Metro Manila 1st 
6. District Engineer Manny Bulusan ng DPWH North Manila DEO
7. District Engineer Edgardo C. Pingol ng DPWH Bulacan Sub-Deo
8. District Engineer Michael Rosaria ng DPWH Quezon 2nd DEO

"Karamihan sa mga kawani ng DPWH na nabanggit sa itaas ay paulit-ulit na binabanggit ang delivery ng pera ay para kay Zaldy Co, na dapat ay at least 25%," giit ni Curlee.