December 13, 2025

Home BALITA

Jinggoy, ‘di nagustuhan biro ni Marcoleta sa Senate hearing?’ ‘I resent that statement!’

Jinggoy, ‘di nagustuhan biro ni Marcoleta sa Senate hearing?’ ‘I resent that statement!’
Photo courtesy: Screengrab Senate of the Philippines

Tila hindi nagustuhan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang biro ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Rodante Marcoleta sa kalagitnaan ng pagdinig ng Senado sa isyu ng anomalya sa flood control projects.

Sa pagbanggit ni Curlee Discaya ng mga pangalan ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ilang kongresista, itinanong ni Estrada kay Curlee kung wala umanong sangkot na senador sa kanilang ilegal na transaksyon.

“Your honor, wala po,” saad ni Curlee.

Matapos ang pagsagot ni Curlee, nagbitaw na ng biro kay Estrada si Marcoleta.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Oh safe ka na,” saad ni Marcoleta.

"You know I resent that statement Mr. Chair. I resent that statement,” anang senador.

Muling biro ni Marcoleta, "Safe ka na."

"Mr. Chair, I moved that you strike of the record that..." saad ni Jinggoy. 

Paglilinaw naman ni Marcoleta, "Eh alam mo namang biro lang 'yon, wala yon, wala 'yon.”

Nitong Lunes, ang unang pagharap ni Curlee sa Senado matapos masangkot ang kanilang mga kompanya bilang mga kontraktor sa nasabing kontrobersiyal na flood control project.

Ayon sa sinumpaang pahayag ni Curlee, kasama sina Romualdez at Co bilang mga opisyal na nakakatanggap umano ng 25% sa budget ng flood control projects na hawak ng mga Discaya.

“Karamihan sa mga kawani ng DPWH na nabanggit sa itaas ay paulit-ulit na binabanggit ang delivery ng pera ay para kay Zaldy Co, na dapat ay at least 25%,” ani Curlee.

Saad pa niya, “Si Cong. Marvin Rillo naman ay ilang beses binabanggit ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez bilang kaniyang malalapit na kaibigan.”

KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH offcials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co