December 13, 2025

Home BALITA

Ilang DPWH offcials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co

Ilang DPWH offcials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co

Pinangalanan ni Curlee Discaya sina House Speaker Martin Romualdez at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co bilang mga matataas na opisyal na nakakatanggap umano ng malaking porsyento mula sa halaga ng kontrata nila sa gobyerno.

Ayon sa sinumpaang pahayag ni Curlee, kasama sina Romualdez at Co bilang mga opisyal na nakakatanggap umano ng 25% sa budget ng flood control projects na hawak ng mga Discaya.

“Karamihan sa mga kawani ng DPWH na nabanggit sa itaas ay paulit-ulit na binabanggit ang delivery ng pera ay para kay Zaldy Co, na dapat ay at least 25%,” ani Curlee.

Saad pa niya, “Si Cong. Marvin Rillo naman ay ilang beses binabanggit ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez bilang kaniyang malalapit na kaibigan.”

Truly blessed! VP Sara, thankful sa mga DDS na alam ang paninira at katotohanan

Maliban sa nasabing dalawang matataas na opisyal, binanggit din ni Curlee ang mga pangalan ng ilang politiko at mga tauhan ng DPWH na sangkot sa umano’y panggagatas ng pondo ng flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya

Samantala, sa inilabas na pahayag ni Romualdez nitong Lunes, mariing niyang itinangi ang nasabing pahayag ni Discaya at iginiit na wala umanong kahit na sino ang makakapanuhol sa kaniya.

“And I say this with all honesty: I have never, and I will never, accept a bribe from anybody. Walang sinuman ang kayang manuhol sa akin. Alam iyan ng lahat ng House members,” anang House Speaker.

KAUGNAY NA BALITA: Romualdez sa alegasyong nakatanggap siya ng komisyon sa flood control projects: 'Nobody can bribe me. I am self-made'