Usap-usapan ngayon ang tungkol sa kumakalat na “Kalokalike” social media ng isa sa 3rd Big Placer Duo ng Pinoy Big Brother (PBB): Celebrity Collab Edition at content creator na si Esnyr.
Ayon sa post na inilabas ng TikTok user na si Izsanggggg kamakailan, minention niya si Esnyr sa videong ibinahagi niya sa naturang social media platform kung saan makikita ang isang lalaki na may tattoo sa braso at leeg habang seryosong nakaupo sa tapat ng kumuha ng video.
“Hindi mo kami maloloko @Esnyr may tattoo ka na pala,” pagbibiro ng uploader sa kaniyang post.
Nakapaskil naman sa naturang video ng uploader ang birong pumayag na umano si Klarisse de Guzman o Klang, isa ring PBB housemate na nakasabay ni Esnyr sa bahay ni Kuya, na magpa-tattoo ang huli.
“M[ay tattoo na si Esnyr, pinayagan na ni Mowm Klarisse,” pagbibiro ng uploader sa video.
Samantala, nagawa namang mag-reply ni Esnyr sa kaniyang X account nang muli siyang ma-mention kaugnay sa kumakalat na video ng iba nang user sa X na si WillOfWords.
“Huuuuuy antawakeeeels ko HAHAHAHA,” pagme-mention ng nasabing user former PBB housemate.
“HINDI AKO YAN LARO KAYO,” saad ni Esnyr.
Iba’t ibang reaksyon naman ang ibinahagi ng maraming fans at followers ni Esnyr kaugnay sa napanood nilang viral na video.
Narito ang ilang mga pagbibirong komentong iniwan ng netizens sa naturang video:
“Alvin ricaflanca esnyr lookalike.”
“Hindi yan si esnyr, si Sam Versoza yan.”
“Mas kamukha niya pa si Esynr kaysa kay Esnyr hahahahaha.”
“Pwede na i-hire ni esynr para hindi siya mahirapan sa mga character.”
“HAHAHAHHAA SOBRANG KAMUKHA ANG SCARY.”
“How to unsee esnyr and sam versoza hahhaha.”
“Ganyan pala si Andrei pag naiwan nya panyo nya sa bahay.”
“Sinong bagong character kaya 'to?.”
“AKALA KO BTS TO NG SHOOT AND ROLE NI ESNYR YAN.”
Samantala, nilinaw naman ng uploader na si Izsanggggg na nagawa naman umano niyang magpaalam sa lalaking nakuhanan niya ng video.
“FYI!!! Ni-reach out ko po si Sir about dito sa video na inupload ko hehehehe,” komento ng uploader sa kaniyang sariling post.
Kinilala naman ang kamukha umano na lalaki ni Esnyr bilang si Alvin Ricaflanca at nagawa rin nitong i-upload sa kaniyang TikTok account ang nag-viral na video.
Umabot na ngayon sa mahigit 11 milyon ang bilang ng mga nakapanood ng viral video sa variant umano ni Esnyr.
Mc Vincent Mirabuna/Balita