Naghahari ngayon sa Billboard Philippines Hot 100 Chart P-Pop ranking ang kantang “DAM” ng Pinoy Pop group na SB19.
Ayon sa inilabas ng Billboard Philippines noong Sabado, Setyembre 6 sa kanilang YouTube channel, DAM ang nanguna sa Hot 100 Chart P-pop ranking na kanilang naitala para sa buwan ng Agosto 2025.
Pumangalawa naman sa ranking ang kantang “Umaaligid” ni Sarah Geronimo kung saan kakolaborasyon din sa nasabing kanta ng Popstar Princess ang grupong SB19.
Bukod pa sa DAM at collaboration ng SB19 sa kantang Umaaligid, lima pang kanta nila ang matagumpay na nakapasok sa top ng HOT 100 Chart P-Pop rankings.
Narito ang top 10 list para sa P-pop songs na nanguna sa buwan ng Agosto ayon sa Billboard Philippines:
1. DAM ng SB19
2. Umaaligid ni Sarah Geronimo at ng SB19
3. Dungka! SB19
4. Time ng SB19
5. Quit ng SB19
6. 8TonBall ng SB19
7. Pantropiko ng BINI
8. Salamin, Salamin ng BINI
9. Shooting for the Stars ng SB19
10. Shagidi ng BINI
Ngunit bago ito, nauna nang makuha ng SB19 ang pagiging number one (1) sa Billboard World Digital Song Sales chart ang nasabing kanta nilang DAM noong Marso 2025
Samantala, isa naman sa mga nangunang matuwa sa record na nakamit ng nasabing grupo ang mga miyembro ng fan group nila na A’TIN.
Narito ang iniwang mga komento ng mga A’TIN sa naturang anunsyo ng Billboard Philippines:
“Congrats mga asawa ko!”
“PPOP KINGS indeed.”
“Philippines' National Idol.”
“Congratulations Mahalima!!! PPOP KINGS.”
“There’s music and then there’s artistry. @officialsb19 delivers BOTH! That’s what makes them stand out!”
“Well deserved @officialsb19.”
“Congratulations SB19, you deserve on the top our PPOP KINGS the Philippine's National Idol.”
“DAM anong pakiramdam?”
“Our ppop kings! Period.”
“Truly, the fruit of hard work, perseverance, and passion! Well-deserved. I hope they continue to inspire young Filipinos to dream big(ger)”
“The true trailblazer of P-Pop.”
Binubuo ang grupong SB19 ng limang mga miyembro nito na sina Pablo, Josh, Justin, Stell and Ken.
Kasalukuyan na ngayong may 22 milyong bilang ng mga views ang music video ng DAM ng SB19 mula Marso hanggang Setyembre sa anim na buwan nitong pagitan.
Mc Vincent Mirabuna/Balita