Inalmahan ni City of San Jose Del Monte, Bulacan Mayor Florida Robes ang pagbanggit sa pangalan niya ng kontrobersiyal na contractor na si Curlee Discaya, sa mga kongresistang nakatanggap umano ng "komisyon" sa maanomalyang flood control project.
Sa naganap na Senate Blue Ribbon Committee, Lunes, Setyembre 8, isa ang pangalan ni Robes sa mga nabanggit na mambabatas ng lalaking Discaya, mister ni Sarah Discaya, na nauna nang maimbitahan ng komite.
Silang mag-asawa ang nagmamay-ari ng St. Gerrard Construction Gen. Contractor & Development Corp. at Alpha & Omega General Contractor & Develeopment Corp.
“'Kung sino man gumagamit ng pangalan ko, mangilabot naman kayo!'" saad ni Robes sa inilabas na opisyal na pahayag, na mababasa sa City of San Jose Del Monte Public Information Office official Facebook page.
"Former lawmaker now City Mayor of San Jose del Monte, Bulacan, Florida Robes, called out the statement of Curlee Discaya regarding her alleged involvement with the contractors of flood control projects."
“'Kitang-kita naman ng marami kung gaano na kaganda ang San Jose del Monte ngayon. Walang ghost project dito at pang-world class ang aming mga infrastructure,' Robes said."
Giit pa, "Mayor Robes will file a libel case against Discaya."
Si Robes ay dating kongresista ng CSJDM bago maging mayor.
Ang pumalit sa kaniyang posisyon ay dating mayor naman ng lungsod na si Arthur Robes.
KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya