Pinalagan ni Pasig City Congressman Roman Romulo ang alegasyong ibinato sa kaniya ng kontraktor na si Pacifico "Curlee" Discaya na may komisyon siya sa mga flood control projects ng huli.
Nitong Lunes, Setyembre 8, Nnagbigay ng joint sworn statement ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Sa naturang pahayag, pinangalanan ni Curlee ang mga politiko at DPWH official na 'di umano'y humihingi ng 10-25% share sa mga proyektong napanalunan nila.
Kasama sa nabanggit si Romulo.
Maki-Balita: KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya
Ayon kay Romulo, hindi siya na-involve sa anumang bidding.
"I strongly deny these malicious and fabricated allegations linking me to anomalous bidding. I was never involved in any bidding nor in selecting contractors for DPWH projects," anang mambabatas.
"In this regard, it is quite clear that these accusations are nothing more than an attempt to divert attention, shift blame, and evade accountability for matters properly within their responsibility. Such tactics undermine the integrity of official proceedings and mislead the public with baseless insinuations. I challenge my accusers to present clear and solid evidence," giit pa niya.
"I remain committed to serving Pasig with honesty and integrity and no amount of black propaganda will stop me from doing my job."
Kaugnay nito, bumwelta rin ang kapartido ni Romulo noong 2025 midterm elections na si Pasig City Mayor Vico Sotto kaugnay sa pagdinig.
Sinabi niya ang mga napunang “inconsistencies” mula sa mga pahayag ng mag-asawa.
Aniya, “Sabi ni Mistermind Curlee ‘2-3% lang’ ng contract cost ang kita nila kada project.. ‘swerte na’ daw kung 5%. Sa ibang project lugi pa daw sila (wow).”
Maki-Balita: Vico Sotto sa pasabog ng mga Discaya: 'Wag tayong magpauto sa mga paawa effect nila!'