December 15, 2025

Home BALITA

Bank accounts ng mga Discaya, naka-freeze na!

Bank accounts ng mga Discaya, naka-freeze na!
Photo courtesy: screengrab Senate of the Philippines

Inihayag ni Curlee Discaya na naka-freeze na raw ang kanilang mga bank account bagama't wala pang pormal na kautusan ang Anti-Money Laundering Council (AMLC). 

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Lunes, Setyembre 8, 2025, iginiit ni Curlee na kinailangan na raw nilang mangutang sa isang regional director ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region V na si Eduarte Virgilio. 

"Katunayan nga noong makalawang araw, bago po yung...humihingi ako ng tulang sa kaniya, kasi na-freeze ng bangko ang mga account namin kahit wala pang court order ng AMLC. Eh sabi ko 'Baka puwede pong makautang? Makahingi ng tulong',” ani Curlee. 

Dagdag pa niya, mismong ang driver daw ni Virgilio ang nagbalik ng mga pera sa kanilang opisina.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

“So ngayon po ang nangyari po nito, mukhang naramdaman niya na magsasalita na ako kaya isinauli po niya yung 25%, parking fee, kulang pa nga,” saad ni Curlee.

"No, I did not return any money," saad ni Virgilio.

Bago nito, matatandaang kabilang ang pangalan ni Virgilio sa mga indibidwal na pinangalanan ni Discaya na pumuporsyento sa kabuuang budget ng kanilang pondo sa mga kontra na kanilang natatanggap sa gobyerno. 

Matatandaang isa ang mga Discaya sa mga kontrobersyal na kontraktor ng maanomalyang flood control projects . 

Samantala, noong Setyembre 4 nang kumpirmahin ng Bureau of Customs(BOC) na nasa kanila na rin ang 28 na luxury cars na pagmamay-ari rin ng mga Discaya.

KAUGNAY NA BALITA: Mga Discaya, isinuko natitira nilang luxury cars; hawak na lahat ng BOC

Inirerekomendang balita