Makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon ngayong Lunes, Setyembre 8, 2025.
Ayon sa 5:00 weather briefing ng PAGASA, patuloy na nakakaapekto ang Easterlies o ang mainit na hangin mula sa Pacific Ocean sa malaking bahagi ng bansa partikular sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Posibleng makaranas ng pag-ulan ngayong araw sa mga nabanggit na lugar.
Samantala, sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa asahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may localized thunderstorms sa hapon o gabi.