December 13, 2025

Home BALITA

Viral dog na si Tiktok, na survivor ng pamamana gamit ang Indian arrow, patay sa bangga

Viral dog na si Tiktok, na survivor ng pamamana gamit ang Indian arrow, patay sa bangga
Photo courtesy: Contributed photo

Kinumpirma ng BACH Project PH—isang registered all-volunteer nonprofit organization, ang pagpanaw ng viral na asong si Tiktok.

Si Tiktok ang napaulat na aso noong Pebrero 2025 na nagtamo ng limang tama ng Indian arrow sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan, mula sa Murcia, Negros Occidental.

KAUGNAY NA BALITA: ₱65K pabuya, para sa makakapagturo sa suspek na pumana ng 5 beses sa isang aso

Matapos ma-rescue, dinala sa foster home si Tiktok upang mas lubos na mapangalagaan. Habang noong Agosto naman nang muling pusuan ng netizens ang latest development sa nasabing aso matapos ang matagumpay niyang pagsali sa Athlerun Pawtection Run 2025.

'Di kami namimilit!' Mga Duterte, nananatili hangga't gusto ng tao—FPRRD

Subalit nitong Linggo, Setyembre 7, nang ibahagi ng BACH Project ang sinapit na kapalaran ni Tiktok.

“Today, we lost Tiktok in a tragic accident while she was in foster care. She slipped out, ran, and was hit by a car. It was so sudden, and even now, it feels impossible to accept,” anang organisasyon.

Paliwanag ng BACH Project, kinailangan nilang ipaubaya muna sa foster home si Tiktok dahil kasalukuyan umano nilang nilulutas ang kaso ng distemper—isang nakakahawang sakit sa mga hayop, sa kanilang shelter.

“She was supposed to be safe. She was supposed to have more time. The ‘what ifs’ are endless, and the pain of losing her is unbearable,” anang BACH Project.

Samantala, hindi naman natukoy sa nasabing post kung napanagot ang driver ng sasakyang nakabangga kay Tiktok.