December 15, 2025

Home SPORTS

Tagumpay ni Alex Eala, tagumpay rin ng Pilipinas—PBBM

Tagumpay ni Alex Eala, tagumpay rin ng Pilipinas—PBBM
Photo courtesy: Contributed photo

Nakiisa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa mga nagpaabot ng mensahe kay Filipina tennis player Alex Eala na nagkamit ng kampeonato sa WTA 125 championship.

Sa kaniyang social media post nitong Linggo, Setyembre 7, 2025, iginiit ng Pangulo na ang nakamit na tagumpay ni Eala ay maituturing ding tagumpay ng buong bansa.

“Congratulations Alex Eala! Ang iyong tagumpay ay tagumpay ng buong bansa,” anang Pangulo. 

Pagtitiyak niya pa, gagawin umano ng pamahalaan ang lahat, upang mas maraming atleta pa raw ang sumunod sa mga yapak ni Eala.

Ranking ng Pilipinas, patuloy pagratsada sa 33rd SEA GAMES 2025

“Gagawin natin ang lahat upang mas marami pang atletang Pilipino ang susunod sa yapak na ito at maipakita sa mundo ang galing at puso ng Pilipino,” ani PBBM.

Matatandaang nitong Linggo rin, Setyembre 7 (oras sa Pilipinas) nang pataobin ni Eala ang pambato ng Hungary na si Panna Udvardy sa iskor na 1-6, 7-5, 6-3 upang masungkit ang kampeonato.

Si Eala ang kauna-unahang Pilipinong nakasungkit ng kampeonato sa World Tennis Association (WTA). Noong Hunyo, matatandaang gumawa rin ng kasaysayan si Eala matapos naman siyang maging unang Pinoy na nakatungtong sa WTA finals sa Eastbourne Open championship bagama’t bigo siyang maiuwi ang titulo nito.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Come from behind win!’ Alex Eala, inangkin kampeonato ng WTA 125 championship

Inaasahang magbabalik-aksyon sa tennis court si Eala sa Setyembre 8-14 para sa  São Paulo (SP) Open sa Brazil.