December 14, 2025

Home BALITA

PBBM sa gabinete niya: 'I hope lumamig na 'yang mga ulo ninyo!'

PBBM sa gabinete niya: 'I hope lumamig na 'yang mga ulo ninyo!'
Photo courtesy: screengrab RTVM

May bilin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa mga miyembro ng kaniyang gabinete, sa kaniyang pag-alis sa bansa patungong Cambodia nitong Linggo, Setyembre 7, 2025.

Sa kaniyang talumpati, hiniling ng Pangulo na lumamig na raw sana ang ulo nila.

“I hope, lumamig na yung mga ulo ninyo,” ani PBBM.

Dagdag pa niya, “ But I will have to just say that I perfectly understand why you are feeling a little unjustly beleaguered.”

Metro

Unang araw ng ‘12 Days of Christmas: Libreng Sakay,’ simula na!

Matatandaang noong Sabado, Setyembre 6, nang maglabas ng opisyal na pahayag ang Executive Secretary na iginiit ang pag-alma umano ng gabinete ni Marcos sa umano’y paninisi ng Kamara sa isyu ng korapsyon.

"The Cabinet strongly objects to the recent spins coming from certain members of the House of Representatives who are thereby attempting to shift the blame for their own corruption and failures onto the Executive Branch," anang pahayag.

"We urge the House of Representatives to heed the demand of the people for full accountability: CLEAN YOUR HOUSE FIRST!"

KAUGNAY NA BALITA: Exec. Secretary, pinalagan umano'y paninisi ng Kamara sa isyu ng korapsyon: 'Clean your house first!'

Bagama’t walang tinukoy ang Palasyo hinggil sa naturang isyu sa pagitan ng Kamara at gabinete, nilinaw naman sa hiwalay na pahayag ay ni Executive Sec. Lucas Bersamin, na hindi raw inasahan ng Malacañang ang balak ng Kamara na ibalik ang National Expenditure Program (NEP) sa Department of Budget and Management (DBM) dahil sa mga umano’y kuwestiyonableng nakapasok para sa 2026 national budget.

“We always want the country to move forward, not to go back or slow down,” ani Bersamin.