December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

PBBM, 'di makapaniwala sa kasalukuyang sitwasyon ng gobyerno: 'Nasha-shock ako!'

PBBM, 'di makapaniwala sa kasalukuyang sitwasyon ng gobyerno: 'Nasha-shock ako!'
Photo Courtesy: PCO (FB), via MB

Naghayag ng sentimyento si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa talamak na anomalya sa likod ng flood control projects.

Sa unang bahagi ng episode 4 ng "BBM Podcast" nitong Linggo, Setyembre 7, sinabi ng Pangulo na hindi raw siya makapaniwala sa kasalukuyang sitwasyon ng gobyerno.

Aniya, "We have to figure out kung ano ba talaga ang nangyari para hindi na mangyari ulit.  To put safe guard in place, if it's requires the restructuring the government, lahat 'yan kailangan nating gawin."

"Nasha-shock ako. Hindi ako makapaniwalang ganito na ang gobyerno," dugtong pa ng Pangulo.

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

Kaya naman sa isang bahagi ng panayam ay hindi naiwasang maluha ni Marcos, Jr.

"Are you teary eyed?" tanong ng batikang mamamahayag na si Vicky Morales.

"Yes, because I'm very upset. I see people having a hard time," sagot ng pangulo.

Dagdag pa niya, "And they don't deserve it. Mabuti kung masamang tao 'yan, dapat parusahan. Hindi naman e. Walang ginawa iyan kundi magtrabaho, kundi mahalin ang pamilya."

Matatandaang binakbakan ni Marcos Jr. sa ikaapat niyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo  ang mga umano’y nangurap sa flood control project na lalong nagpalala ng baha sa mga lugar na naapektuhan ng Habagat at mga bagyong Crising, Dante, at Emong.

“Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa mga pagbaha. Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo! Na ibinulsa n'yo lang ang pera!” saad niya.

MAKI-BALITA: PBBM, sinupalpal mga korap sa flood control project: 'Mahiya naman kayo!'