December 14, 2025

Home SHOWBIZ

Ogie Diaz, inisa-isa mga artistang ginawan ng pekeng scandal

Ogie Diaz, inisa-isa mga artistang ginawan ng pekeng scandal
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB)

Pinangalanan ni showbiz insider Ogie Diaz kung sino-sinong mga artista ang ginawan ng mga pekeng scandal video.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Sabado, Setyembre 6, napag-usapan ang panganib na dulot ng teknolohiya pagdating sa pornography. 

“Ako, may napanood ako, kasi siyempre investigative, e. Si Nikko Natividad, si Ron Angeles. [Tapos] si McCoy De Leon,” saad ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Hindi lang ‘yan, no’ng una napaniwala ako e si Donny Pangilinan. [...] Diyos ko, deepfake din ‘yon!”

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

Ang deep fake ay pekeng larawan, video, o boses na ginamitan ng artificial intelligence (AI) upang manipulahin ang kahawig na katangian ng isang tao. Isa itong synthetic media na ginagamit upang gawing kapani-paniwala ang isang kasinungalingan.

Matatandaang kamakailan lang ay humarap sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality ang aktres na si Angel Aquino at content creator na si Queen Hera.

Ibinahagi nila pareho ang karanasan bilang biktima ng deepfake pornography. Ayon kay Angel, nalaman umano niya sa isang kaibigan na ginamit umano ang mukha niya sa isang maselang video. 

Samantala, anak naman ni Queen ang nabiktima sa isang dark web. Nakita umano niya ang edited photo ng anak sa private part ng isang lalaki.