Nabagbag ang damdamin ng fans at followers ng "Pamilya De Guzman" sa birthday message ni Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Big Winner at Kapuso artist Mika Salamanca para sa dating housemate din at tinaguriang "Nation's Mowm" na si Kapamilya Soul Diva Klarisse De Guzman.
Sa Instagram post ni Mika noong Sabado, Setyembre 6, ibinahagi niya ang isang larawan kung saan makikita ang "family members" ng PDG.
Bukod kina Mika at Klang, makikita rin dito sina Will Ashley, Esnyr, at Shuvee Etrata.
Bilang "panganay" ni Mowm Klarisse, nag-iwan ng heart-warming message si Mika para sa sinorpresa nilang nanay-nanayan sa PBB.
"salamat sa pag papalaki samin ng maayos ma, @klarissedguzman pag pinapili ako ng nanay sa susunod na buhay ikaw parin ang pipiliin ko. mag ingat ka dyan sa abroad sana mag sama sama na tayo soon. happy birthday!" aniya.
Pinagdiinan naman ni Mika na "satire" lamang ito, matapos ilagay ang mga hashtags na #number1mom, #bestmom, #birthdayngmomkotoday, #greether, #familyforever, at #satire.
Agad naman itong sinakyan ni Klarisse at kinomentuhan.
"Thank you so much panganay, miss ko na kayo dyan sa pinas. Naki wifi lang ako. Loveyou! May nakilala akong kaibigan dito si Mareng Bimby, pa video greet daw," aniya.
Marami naman ang natutuwa dahil kahit tapos na raw ang PBB, napanatili ng lima ang nabuong friendship sa loob ng Bahay ni Kuya.
Bago sumapit ang aktuwal na kaarawan ni Klarisse, sinorpresa muna siya ng mga anak niya sa bahay habang natutulog siya.
Kakuntsaba nina Mika, Will, Esnyr, at Shuvee ang partner ni Klarisse na si Trina Rey.
FAMILY MEMBERS NG PAMILYA DE GUZMAN
Hindi man siya ang Big Winner, nakuha naman daw ni Klarisse ang puso ng taumbayan, dahil paglabas niya ng PBB House, unexpectedly, naging instant "Nation's Mowm" na siya kahit wala pa naman talaga siyang anak.
KAUGNAY NA BALITA: ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!
Kitang-kita ang kalungkutan at pagbuhos ng emosyon ng mga housemate nang lumabas na nga sila ng ka-duo niyang si Kapuso housemate Shuvee Etrata, kung saan, ramdam na ramdam daw ang pagkawala niya hindi lamang dahil "tagaluto" siya kundi siya ang ate at mother figure sa loob.
KAUGNAY NA BALITA: Pagkawala ni Klarisse sa PBB, ramdam ng housemates dahil sa pagluluto
KAUGNAY NA BALITA: Bilang 'Mowm' figure sa PBB: Esnyr, Will emosyunal sa paglabas ni Klarisse
Kaya naman, bumuo ng family tree ang isang fan upang ipakita kung sino-sino ang bumubuo ng "De Guzman Family," na ibinahagi naman ng social media page na "CinemaBravo."
Panganay na anak daw ni Mowm Klang si Mika Salamanca, na "hubby" naman daw ni Brent Manalo.
"Twin daughters" naman daw niya sina Esnyr at Shuvee, na naging malapit din sa isa't isa.
At ang bunsong anak daw niya ay si Will Ashley na grabe ang iniiyak nang ma-evict sila ni Shuvee.
Sa pagtatapos ng journey ni Klarisse sa PBB, inaasam ng fans na nawa ay dumagsa ang proyekto para sa kaniya at mapagsama-sama sila sa sitcom, serye, pelikula, o concert ng PBB housemates.
KAUGNAY NA BALITA: Family tree ni Mowm! Sino-sino miyembro ng 'De Guzman Family' sa PBB?
Na nagkatotoo na nga dahil halos hindi na rin napahinga ang singer sa kaliwa't kanang proyekto, gigs, at endorsement na kaniyang dinaluhan.
Ang latest, kasama siya sa sequel ng pelikulang "Bar Boys." Siya raw ang gaganap na kapatid ni Will sa pelikula.
KAUGNAY NA BALITA: First movie: Klarisse makakasama raw sa 'Bar Boys 2' magiging ate ni Will?
At sa Setyembre 26, masasaksihan na ang major concert ni Klang na "The Big Night" sa Smart Araneta Coliseum.
KAUGNAY NA BALITA: Klarisse, hindi PBB Big Winner pero may sariling 'Big Night' sa Araneta Coliseum