Sinang-ayunan ni dating Kapamilya star Liza Soberano ang pahayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto kaugnay sa protestang ikinasa kamakailan sa St. Gerrard Construction na may pagmamay-ari ng mga Discaya.
Pinagbabato kasi ng mga miyembro ng grupong Kalikasan ang gate ng St. Gerrard Construction bilang sagisag ng mabigat na pasaning dinaranas ng mga biktima ng baha, na iniuugnay ng grupo sa pumalpak na mga proyekto sa flood control.
Kaya naman sa isang Facebook post ay pinaalalahanan ni Vico ang publiko na huwag gumamit ng dahas na maaaring mauwi sa pamiminsala bagama’t nauunawaan naman daw niya ang galit ng taumbayan.
“I understand that we are angry and frustrated, but let's not resort to violence or acts that could potentially lead to violence or injuries," anang alkalde.
Dagdag pa ni Vico, "Hindi naman yung mga corrupt ang masasaktan pag bumigay ang gate, hindi rin sila ang matatamaan ng bato. Nag-aalala ako para sa mga security guard, trabahador, at ralyista mismo."
Ito ang pahayag na sinang-ayunan ni Liza sa kaniyang X post kamakailan.
Maki-Balita: Vico Sotto sa mga nagprotesta sa mga Discaya: 'Let's not resort to violence'
Aniya, “Totally agree with this. There is a better way to get our sentiments across without creating collateral damage to the people who are just trying to make a living for their families.”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post ng aktres. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"your values changed no? effect of Jeffrey Oh. Happy anniversary to both of you"
"did we already forgot that stealing people's money is also VIOLENCE! if the masses will not resort to this "violence" and only dependent on the justice system, there's no justice i fear. MAKE THEM ACCOUNTABLE!"
"i love u but i’m gonna have to disagree sa part where u said 'trying to make a living for their families' bc they’re living off of stolen money from the pockets of filipino taxpayers. you should know better"
"So anong gagawin Liza? care to share?"
"Agree, the momentum for a change of course to a good governance will be coming come May 2028 Presidential election. An Observation. Cheers!"
"si ate naman minsan na nga lang bumoses..."
"Tumigil ka nga kakasawsaw sa issue na malapit sa sikmura. Tang ina ka di ka nga nag je jeep or nag take ng public transport pag lalabas ka ng bahay mo. Anong alam mo sa hirap ng ordinaryong Pilipino? Concentrate na lang sa laos mong career. Ok?"
Matatandaang kabilang ang dalawang kompanya ni Discaya sa listahan ng 15 contractor companies na kumamal sa flood control projects sang-ayon sa datos na inilatag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.