Nakisimpatya si Senador Ping Lacson kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. matapos maluha dahil sa kalagayan ng maraming Pilipino sa gitna ng anomalya sa flood control projects.
Sa isang X post ni Lacson nitong Linggo, Setyembre 7, sinabi niyang nararamdaman din umano niya ang pangulo.
“We feel you, Mr President. You have given me and my team the firm resolve to do our part in exposing, even compiling solid evidence to nail these ‘greedy flood-control profiteers’ and their cohorts both in the public and private sectors. We have your back, Sir,” saad ni Lacson.
Nangyari ang pagiging emosyunal ni Marcos sa teaser ng ikaapat na episode ng kaniyang podcast na inilabas noong Sabado, Setyembre 6.
"Are you teary eyed?" tanong ng batikang mamamahayag na si Vicky Morales.
"Yes, because I'm very upset. I see people having a hard time," sagot ng pangulo.
Dagdag pa niya, "And they don't deserve it. Mabuti kung masamang tao 'yan, dapat parusahan. Hindi naman e. Walang ginawa iyan kundi magtrabaho, kundi mahalin ang pamilya."
Maki-Balita: PBBM naluha dahil sa sitwasyon ng mga Pinoy: 'I see people having a hard time'