December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Julia sa nepo babies: 'Anak lang ako ni Marjorie, but I worked hard for what I have!'

Julia sa nepo babies: 'Anak lang ako ni Marjorie, but I worked hard for what I have!'
Photo courtesy: Julia Barretto, Marjorie Barretto (IG)

Usap-usapan ang naging sagot ng aktres na si Julia Barretto nang matanong siya kung anong reaksiyon niya sa mga tinatawag na "nepo babies."

Mula sa "nepotismo," ang taguring "nepo babies" ay pumapatungkol noon pa man sa sinumang "nagamit" ang kasikatan o impluwensya ng magulang o kamag-anak para magkaroon ng maraming oportunidad o makapasok din sa isang larangan.

Halimbawa na lamang, si Julia, bago maging ganap na aktres, ay kilalang anak muna nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

Bukod sa mga magulang na nasa showbiz, hindi rin maisasantabi ang pagkakadikit niya sa mga tiyahing sina Gretchen Barretto at Optimum Star na si Claudine Barretto.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Sa TikTok video naman ni TV5 showbiz news reporter MJ Marfori, mapapanood ang naging sagot ni Julia nang mauntag ng isang showbiz news reporter kung anong masasabi niya tungkol sa nepo babies.

Sagot ni Julia, dalawa na raw ang kahulugan ng nabanggit na termino pero malinaw na ang pinatungkulan niya, ay ang nepo babies na sinasabing anak ng mga umano'y contractor at opisyal ng pamahalaan na umano'y nakinabang sa korapsyon at maanomalyang flood control projects.

Anang Julia, "Anak lang ako ni Marjorie, but I worked hard for what I have."

"I advise you guys to do the same," hirit pa ni Julia.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"'anak lang Ako ni Marjorie, but I worked hard for what I have, and I advise you to do the same' dang that speaks volume!! she's smart, and that answer is so elegant."

"'Anak lang ako ni Marjorie.' period. Di kasali yong tatay."

"Nepo pa rin sya, thats how she got into showbiz. Thats whats Nepo means, privilege due to your parents."

"People these days don’t really know the true meaning of nepotism."

"julia is one of the nepo babies that we can’t hate because she deserves all the fame she have AND THATS ON PERIOD."

"nepo baby din sya dahil sa apelyido nya"

"Huy bata pa lang nag wowork na yan si Julia. Haha."

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'

Speaking ng pangalawang kahulugan ngayon ng nepo babies, patuloy pa ring binabanatan sa social media ang mga anak nga ng umano'y sangkot sa anomalya sa "ghost flood control projects," dahil sa pag-flex nila ng lavish lifestyle sa social media.

Ilan sa mga umano'y nepo babies na talaga namang kinukuyog ng mga netizen ngayon ay si Claudine Co na anak ni Christopher Co, co-founder ng Hi-Tone Construction and Development Corp., at pamangkin naman ni Ako Bicol partylist Rep. Elizaldy Co.

Isa pa sa mga binabanatan ng mga netizen ay si Jammy Cruz na anak naman ni Noel Cruz, general manager ng Sto. Cristo Construction and Trading, Inc.

Ang jowa naman ni Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 4th Big Placer at Star Magic artist River Joseph, na si Gela Alonte, at nakakaranas din ng bashing sa social media dahil sa mga video niya na nagpapakita ng madalas na pagbabakasyon sa ibang bansa, pagsusuot ng mga mamahaling damit, branded bags, at iba pang mga umano'y luho na aabot sa milyon ang presyo.

Hindi rin nakaligtas sa batikos ng mga netizen ang magkapatid na Enciso na sina Verniece at Vern, na anak ni Verne Enciso na direktor ng Bureau of Customs (BOC).

Inungkat pa ng mga netizen ang lumang video ni Vern Enciso noong 2013 sa "Eye Candy" kung saan pinasalamatan ni Vern ang ama sa pagiging "never ending Automated Teller Machine o ATM."

"And lastly, I would like to thank my dad for always being there and for being my never ending ATM machine," aniya.