December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Janine, Jericho nakaisang taon na bilang magkarelasyon

Janine, Jericho nakaisang taon na bilang magkarelasyon
Photo Courtesy: Jericho Rosales (IG)

Ipinagdiwang ni “Quezon” star Jericho Rosales ang isang taon nilang relasyon ni Kapamilya actress Janine Gutierrez.

Sa latest Instgram post ni Jericho noong Sabado, Setyembre 6, ibinahagi niya ang serye ng mga sweet moment nila ng nobya.

“One year and one day with this one ” saad ni Jericho.

Komento naman ni Janine sa post, “Hahahha baba!!!!! The best time with you!!! Happy anniversary, I love youuuuu ”

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang sey ng ilan:

"Awwwwwwwww!!!!!! Kinikilig kami ni Vika!!!!!!"

"Intentional living "

"Day 1 pa lang talaga, alam na ehhh!!! The consistent flex is such a major green flag!!! Happy anniversary! Wishing you two many more years of love ahead. "

"Handa na akong mamatay mag isa"

"Kakainggit talaga si janine sana all may echo"

"Living vicariously through you guys. Amen"

"grabe heart beat ng puso q...Tyrone and Iris cla pa rin end game..Lucky boy nga"

Matatandaang Agosto 2024 nang aminin ni Jericho sa isang panayam na nasa dating stage na raw sila ni Janine.

Ito ay matapos silang maispatang magkasama nang ilang beses kaya hindi nakapagtatakang mabuo ang hinala na may something sa kanila.

Maki-Balita: Jericho Rosales sa real-score nila ni Janine Gutierrez: 'We're going out'

Samantala, inamin naman ni Jericho noong Abril na jowa na niya si Janine sa mismong lamay ng namayapa nitong lolang si Asia's Queen of Songs Pilita Corrales.

Maki-Balita: Jericho, umaming jowa na si Janine sa lamay ni Pilita