Ipinagkatiwala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang bansa kay Executive Secretary Lucas Bersamin at sa dalawa pang miyembro ng gabinete sa paglipad niya patungong Cambodia.
Kabilang sa nasabing mga miyembro ng gabinete ni PBBM sina Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla at Agrarian Reform Sec. Conrado Estrella III na mga pinagbilinan ni PBBM na maging katuwang ni Bersamin habang siya ay nasa state visit.
"I will discuss ways to further diversify our cooperation and strengthen our intra-ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) relationships and exchanges by capitalizing on our complementary strengths in the face of global economic headwinds,” anang Pangulo.
Dagdag pa niya, “To this end, we will discuss expanding our commercial relations and building more resilient value chains.”
Ayon sa mga ulat, ito ang unang beses na muling bibisita ang Pangulo ng Pilipinas sa isang Southeast Asian country makalipas ang 9 na taon. Giit ng Department of Foreign Affairs (DFA) layon ni PBBM na mapag-igting pa ang paglaban ng bansa kontra transnational crime para sa gaganaping ASEAN 2026 sa Maynila.
Kaugnay nito, may bilin si PBBM sa mga miyembro ng kaniyang gabinete.
“I hope, lumamig na yung mga ulo ninyo,” ani PBBM.
KAUGNAY NA BALITA: PBBM sa gabinete niya: 'I hope lumamig na 'yang mga ulo ninyo!'