December 13, 2025

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

#BalitaExclusives: Dedikasyon at Disiplina: Ang kuwento ng 'Perfect Attendance' ni Teacher Mabelle Apuada

#BalitaExclusives: Dedikasyon at Disiplina: Ang kuwento ng 'Perfect Attendance' ni Teacher Mabelle Apuada
Photo courtesy: Mabelle Apuada

Hindi madaling maging guro. Sa dami ng hamon—mula sa mabigat na workload, mahabang oras ng pagtuturo, hanggang sa mga personal na pagsubok—marami ang nagtataka kung paano nagagawang manatiling buo ang sigla at dedikasyon ng ilan sa ating mga tagapaghubog ng kabataan.

Isa sa mga huwaran dito si Teacher Mabelle Hermo Apuada, guro ng Science sa Sampaguita High School, na kamakailan ay kinilala dahil sa kaniyang “Perfect Attendance Award” para sa school year 2024–2025.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nakamit ni Teacher Mabelle ang naturang parangal.

Ayon sa kaniyang ibinahaging kuwento sa Facebook, simula pa noong 2018 ay wala siyang mintis sa pagpasok. Pitong taon na siyang public school teacher sa ilalim ng Department of Education (DepEd) at anim na taon naman siyang nagturo sa isang private school bago iyon.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Ano ang ‘holiday blues’ at paano ito malalagpasan?

KAUGNAY NA BALITA: Pitong taong sunod-sunod: Guro, ibinida 'perfect attendance' buong school year

Sa eksklusibong panayam ng Balita para sa National Teachers' Month, ipinaliwanag ni Teacher Mabelle ang kaniyang pananaw kung bakit napapanatili niya ang ganitong track record. Aniya, walang espesyal na sikreto sa likod ng kaniyang pagiging consistent sa pagpasok.

Nais daw niyang maging role model sa kaniyang mga mag-aaral.

"I always aim for perfect attendance because I believe that being present is one of the most important responsibilities of a teacher," aniya.

"Our students rely on us every day not just to teach, but to guide, support, and inspire them. I want to be there for them consistently."

"There’s no real secret, just discipline, passion, and a strong sense of purpose. I take care of my health, manage my time wisely, and keep a positive mindset."

"I also remind myself daily that teaching is not just a job, but a commitment I chose wholeheartedly," dagdag pa niya.

Para kay Teacher Mabelle, higit pa sa sertipiko ang kaniyang nakukuha. Bawat araw na naroroon siya sa silid-aralan ay pagkakataon upang masigurong natututo ang kaniyang mga estudyante at nagagampanan niya ang sinumpaang tungkulin bilang guro.

Sa panahon ngayon kung saan maraming guro ang nakararanas ng pagod at panghihina ng loob dahil sa bigat ng trabaho at iba’t ibang hamon, nagsisilbing inspirasyon si Teacher Mabelle sa kaniyang mga kasamahan. Ang kaniyang kuwento ay nagpapaalala na ang pagiging guro ay hindi lamang trabaho kundi isang bokasyon—isang pangakong kailangang tuparin nang may buong puso at disiplina.

"When you remember your purpose and the impact you make, it becomes easier to show up every day," aniya.

"Prioritize your well-being, stay organized, and surround yourself with positive people."

"Every day in school is a chance to make a difference, don't miss it," aniya.

Para naman sa pagdiriwang ng National Teachers' Month ngayong Setyembre, nag-iwan din siya ng mensahe para sa mga kapwa guro.

"To my fellow teachers and mentors, I extend my heartfelt gratitude for your unwavering dedication and love for our students. You inspire and shape the future with every lesson you impart."

"As one with you in this noble profession, I, Mabelle H. Apuada, join in this celebration with pride and deep appreciation for the gift of teaching. Happy National Teachers' Month!" saad niya.

Sa bawat araw na siya’y pumapasok, ipinapakita ni Teacher Mabelle na ang tunay na gantimpala ay hindi lamang nakikita sa mga sertipiko o parangal, kundi sa pagbibigay ng patuloy na pag-asa at kaalaman sa mga batang umaasa sa kaniya.

Sabi nga, "Just show up and do it!"