December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

Biceps ni Vince Maristela, 'inulam' ng fan: 'Hello sa nakipisil, gigil yarn?'

Biceps ni Vince Maristela, 'inulam' ng fan: 'Hello sa nakipisil, gigil yarn?'
Photo courtesy: Vince Maristela (X)

Kinaaliwan ng mga netizen ang ibinahaging larawan ni Sparkle artist at dating Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate Vince Maristela kung saan makikita ang isang babaeng faney na tila nakakagat sa kaniyang mamasel na biceps.

Mukhang sa nabanggit na pic ay pinanggigilan ng mga nanood na audience sa kaniya ni Vince, na humantong na nga sa "pag-ulam" sa kaniya, habang kumakanta.

Bagay na ginawang biro na lamang ni Vince.

"When you it," aniya sa kaniyang X post nitong Linggo, Setyembre 7.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

"Happy Sunday sa lahat lalo na sa nag ulam ng biceps ko kagabi. And hello po sa nakipisil hahaha gigil yarn? Love you all!"

Pero paglilinaw naman ni Vince, hindi naman daw siya talaga kinagat ng babae sa larawan, so walang dapat ikabahala ang fans niya kung nasaktan ba ang GMA artist.

"Guys, just for fun lang tayo ah, hindi ako kinagat ni Ate. Hahahaha what if hanapin natin sya tapos para makapagpa-picture kami nang maayos?" sabi pa nga ni Vince.

Bukod sa iba't ibang proyekto at gigs sa GMA Network, mapapanood din si Vince sa "Sang'gre Encantadia Chronicles."