Kinaaliwan ng mga netizen ang hirit na biro ni Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda sa Saturday episode ng noontime show, patungkol sa "Showtime Ghost."
Nakakaloka dahil talagang updated si Meme Vice sa mga nangyayari sa bansa, at hindi mawawalan ng episode ang noontime show na hindi nagkakaroon ng hirit patungkol sa mga pinag-uusapang isyu, gaya na lamang ng "ghost projects."
Sa segment na "Laro Laro Pick," napag-usapan nina Vice Ganda at co-hosts na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Jacky Gonzaga ang "ghost projects" pati na rin ang tungkol sa "ghost students."
Ayon kay Vice Ganda, nabasa raw niya ang tungkol sa mga ghost student na kunwari ay nag-eexist pero ang totoo ay wala naman talaga.
May kinalaman ito sa tinatawag na "iskolar" o mga mag-aaral na may natatanggap na scholarship.
Nabanggit din ng komedyante at TV host ang tungkol sa mga "ghost employees" na pinapasahuran at binibigyan ng benepisyo subalit wala naman talagang ganoong empleyado.
Maya-maya, humirit naman si Jhong na may "Showtime Ghost" daw ba?
Sagot naman ng Unkabogable Star, "'Yong host na hindi pumapasok pero bayad!"
Nang tanungin ni Vhong kung sino kaya ang tinutukoy ni Vice, "Ayoko na lang magsalita!"
"Nandito ba siya ngayon?" untag ni Vhong.
"Ghost nga eh..." natatawang sabi ni Vice.
Hindi naman tinukoy ng mga host kung sino ang mga nabanggit na co-hosts nila na "hindi pumapasok" pero bayad pa rin.
ATTENDANCE NI ANNE CURTIS
Pero kung sa attendance ng It's Showtime hosts ang pag-uusapan, matatandaang dinogshow hindi lamang ng co-hosts kundi maging ng show ang madalas na pag-absent ni Anne, dahil sa kaniyang prior commitment.
Bukod sa abala rin siya sa mommy at wife duties, busy rin si Anne sa iba't ibang endorsements niya, and mukhang may upcoming movie rin siyang pinaghahandaan.
Sa kasalukuyan, napapanood sa Netflix at ABS-CBN platforms ang "It's Okay To Not Be Okay," Philippine adaptation ng seryeng may katulad na pamagat, sa isang hit South Korean series.
Gumawa pa talaga ng "news" ang It's Showtime sa kanilang social media page para lang ipagbunyi ang sunod-sunod na pagpasok ni Anne sa show noong unang linggo ng Hunyo.
KAUGNAY NA BALITA: Attendance ni Anne Curtis, 'pinaglaruan' ng It's Showtime
Marami tuloy ang na-excite kay Anne dahil marami ang naka-miss sa kaniya at pakikipagkulitan niya sa co-hosts. Isa pa sa mga inaabangan sa kaniya ay kapag may "bulol moments" siya sa pagbigkas ng kaniyang spiels na nasa Tagalog o Filipino.
Pero noong Hunyo 5, nasira na ang streak dahil umabsent na nga si Anne dahil kailangan daw niyang umattend sa moving-up ceremony ng anak nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia.
KAUGNAY NA BALITA: Rason kung bakit halos laging absent si Anne Curtis sa It’s Showtime, buking