January 26, 2026

Home BALITA Probinsya

Rider na sumabit ang kapote sa gulong ng motorsiklo, bumangga sa kasalubong na van

Rider na sumabit ang kapote sa gulong ng motorsiklo, bumangga sa kasalubong na van
Photo courtesy: Pexels

Dead on arrival ang isang 22 taong gulang na rider matapos siyang madisgrasya sa kaniyang motorsiklo at mabangga ng isang van sa Antipolo City noong Biyernes, Setyembre 5, 2025.

Ayon sa mga ulat, nangyari ang aksidente sa kahabaan ng Marcos Highway ng maaksidente ang biktima bunsod ng kaniyang kapote.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sumabit sa gulong ng suspek ang laylayan ng kaniyang kapote, dahilan upang mawalan siya ng kontrol. Nagpagewang-gewang daw ang motor nito hanggang sa mapunta siya sa opposite lane ng kalsada kung saan nabangga siya ng kasalubong na van.

Nagtamo ng head injury ang biktima na sinubukan pang maitakbo sa Cabading Hospital ngunit hindi na siya umabot nang buhay.

Probinsya

Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan

Samantala, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver ng nasabing van na nahaharap sa kaukulang kaso.