December 15, 2025

Home BALITA National

PBBM naluha dahil sa sitwasyon ng mga Pinoy: 'I see people having a hard time'

PBBM naluha dahil sa sitwasyon ng mga Pinoy: 'I see people having a hard time'
screenshot: PCO/FB

Tila hindi napigilan ni Pangulong Bongbong Marcos na maluha sa sitwasyon ng mga Pilipino sa panahong ito.

"Are you teary eyed?" tanong ng batikang mamamahayag na si Vicky Morales sa isang teaser ng ikaapat na episode ng podcast ng Pangulo, na inilabas nitong Sabado, Setyembre 6. 

"Yes, because I'm very upset. I see people having a hard time," sagot ni PBBM.

"And they don't deserve it. Mabuti kung masamang tao 'yan, dapat parusahan. Hindi naman e. Walang ginawa iyan kundi magtrabaho, kundi mahalin ang pamilya," giit pa ng Pangulo.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

"Ba't mo paparusahan? Para magpayaman ka? That makes no sense to me.”

Ilalabas ang kabuuan ng podcast sa Linggo, Setyembre 7.