December 17, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pasaring ni Atom Araullo: 'Investigating themselves again? Groundbreaking!'

Pasaring ni Atom Araullo: 'Investigating themselves again? Groundbreaking!'
Photo courtesy: Screenshot from Atom Araullo (FB)

Usap-usapan ang naging pahayag ni GMA news anchor at broadcast journalist Atom Araullo sa kaniyang social media post na tila may pinasasaringan.

Sa kaniyang Facebook post nitong Sabado ng umaga, Setyembre 6, mababasa ang patutsadang "Investigating themselves again? Groundbreaking."

Kalakip ng post ang larawan ni Araullo habang tila nasa isang coffee shop at habang umiinom sa hawak na tasa.

Photo courtesy: Screenshot from Atom Araullo (FB)

Tsika at Intriga

Bianca nagpaantig engkuwentro sa delivery rider: 'A little patience goes a long way!'

Hindi binanggit ng mamamahayag kung ano, tungkol saan, o sino ang tinutukoy ng kaniyang pasaring, subalit batay sa comment section ng mga netizen, iniuugnay nila ito sa nagaganap na mga imbestigasyon sa mga korapsyon at anomalya hinggil sa flood control projects.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens, na mababasa sa comment section ng kaniyang post.

"Alligators vs. Crocodiles"

"Next up: grading their own homework."

"By all means, investigate themselves at a glacial pace you know how that thrills me."

"I read this in Miranda Priestly's voice."

"Grandstand dramas prep for 2028."

"entertainment at its finest"

Kilalang kritikal si Araullo sa mga isyung panlipunan at pampulitika, at madalas niyang gamitin ang kaniyang plataporma upang ilantad ang mga bagay na may kinalaman sa transparency at accountability.

Noong Huwebes, Setyembre 4, naglabas naman ng Threads post si Araullo hinggil sa pagiging talamak pa rin daw ng pandarambong sa pamahalaan.

Aniya, "Sa dami ng kunwaring galit sa korapsyon sa gobyerno, magtataka ka rin kung bakit talamak pa rin ang pandarambong sa Pinas."

Dagdag pa niya, “Puro panukala, puro imbestigasyon, puro palabas, puro satsat. Pero ang mga big-time kurakot? Napaparusahan ba? Hindi. Mas nananalo pa sa eleksyon.”

Bukod dito, nagpasaring din siya sa umano'y "performative outrage" ng ilang mga mambabatas at opisyal tungkol sa isyu.

Parunggit niya, “Ang cringe ng performative outrage ng ibang mambabatas at opisyal natin. Eh sila naman yung nakikinabang sa korapsyon. Para namang kaming ipinanganak kahapon mga mamser.”

KAUGNAY NA BALITA: Atom Araullo sa imbestigasyon sa korupsiyon: 'Puro palabas, puro satsat!'

Sa kasalukuyan, mainit na pinag-uusapan ang mga alegasyon ng korapsyon at anomalya sa flood control projects ng ilang contractors at opisyal ng Department of Public Works and Highway (DPWH).

Mula mismo sa bibig ng dating kalihim ng DPWH na si Manuel Bonoan na may ilang ghost flood control projects na kinakailangang imbestigahan.