Naiintriga ang mga netizen kung bakit magkasama sa isang beach sa Bohol ang aktor na si Enrique Gil at dating Pinoy Big Brother housemate-beauty queen na si Frank Russell.
Sa ulat ng Fashion Pulis, makikita ang ilang screenshots nina Quen, Franki, at ilan pang mga kasama, na tila nasa isang bakasyon.
Mula naman ang mga larawang screenshots sa vlog ng isang content creator na nagngangalang "Natnat Wabe Vibes."
Makikita naman ang pagpapaunlak ng selfie ni Enrique sa mga lokal na naroon.
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"I'm happy for Enrique Gil deserved nya yan. Enjoy life."
"Uuuyyy, move on na ba si Kuya?"
"Actually matagal na sila lumalabas. Kaya nagtaka ko nung may i love you comment issue si Quen kay Liza."
"Wala naman masama kung single naman sila pareho."
Matatandaang kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pag-amin ng aktres na si Liza Soberano na matagal na silang hiwalay ni Enrique.
Matatandaang batay sa inilabas na series ng "Can I Come In," isang podcast-cinema-documentary sa YouTube noong Agosto 14, ipinagtapat ni Liza na wala na matagal nang tapos ang ugnayan nila ni Quen.
Sinabi ng aktres na parehas silang hindi naging matapat sa mga tagasuporta ng tambalan nilang LizQuen at matagal na rin niya umano itong gustong ipagbigay-alam sa mga tao.
“I’ve been honestly itching to tell people this because I haven’t been very truthful. Quen hasn’t been very truthful. Quen and I broke up,” saad ng aktres sa podcast.
KAUGNAY NA BALITA: ‘He was my first love’ LizQuen, 3 taon na palang split!
Huling naugnay naman si Franki sa aktor na si Diego Loyzaga noong 2022.
KAUGNAY NA BALITA: Sawaan stage na raw? Diego Loyzaga at Franki Russell, nag-unfollow sa isa't isa sa IG
Samantala, wala pang rekaisyon, tugon, o pahayag ang kampo nina Enrique at Franki tungkol dito.