Sa presinto ang bagsak ng dalawang magkasintahang nahuling gumagawa ng kahalayan sa loob ng Burnham Park sa Baguio City.
Ayon sa mga ulat, mismong ang security guard ng nasabing parke ang nakapansin sa magkasintahan.
Rumoronda na raw noon ang sekyu bandang 6:00 ng gabi nang una niyang makita na nagtutukaan lang daw ang isang 22-anyos na babae ang jowa niyang 23 taong gulang na lalaki.
Hinayaan lang daw ito ng naturang sekyu at saka umalis. Subalit matapos ang ilang sandali, gumagawa na raw ng milagro ang dalawa dahilan upang arestuhin niya ang mga ito.
Mahaharap sa reklamong grave scandal ang dalawa.
Samantala, pakiusap naman ng lokal na awtoridad sa Baguio City na respetuhin ang mga pampublikong lugar at huwag gumawa ng kalaswaan.