December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Kitty Duterte, inawat ng ama sa pagpaparetoke: ‘Magtira ka naman’

Kitty Duterte, inawat ng ama sa pagpaparetoke: ‘Magtira ka naman’
Photo Courtesy: Cyrone Atnetherlands (FB), via MB

Ibinahagi ni Kitty Duterte ang pagsaway umano ng ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpaparetoke niya ng labi.

Si Kitty—na pinakabata sa magkakapatid na Duterte—ay anak ng dating pangulo sa common law partner niyang si Honeylet Avanceña.

Sa isang panayam kay Kitty kamakailan, sinabi niyang hindi na raw niya pinagawa pa ang labi niya dahil nalulungkot umano ang kaniyang ama.

“They had it undone ‘yong lips kasi sabi niya, ‘Magtira ka naman ng sa akin.’ Para lang masaya siya, gano’n,” saad ni Kitty.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Dagdag pa niya, “‘Di ko na tinuloy ‘yong lips-lips kasi nalulungkot siya ‘pag hindi na kami magkamukha.”

Matatandaang sa edad na 19 ay sumailalim na si Kitty sa iba’t ibang cosmetic enhancements.

Sa katunayan, inamin niya sa isang video noong 2024 na nagkaroon ng enhancement ang kaniyang ilong, panga, at labi.

"I'm 19 and I'm a college student,” lahad ni Kitty. “I had a consultation with Kuya Migs and Ate Dani. We talked about what I wanted to do with my lips, 'cause I really wanted lip fillers." 

Ang lip fillers ay isang paraan ng enhancement na ini-enject para sa karagdagang volume sa labi. 

Bukod dito, nagpa-rhinoplasty rin siya at jaw botox. Ang rhinoplasty ay isang surgical procedure na ginagawa para baguhin ang hugis ng ilong. 

Samantala, ang jaw botox naman ay pag-i-inject ng botulinum toxin sa masseter muscles na nasa magkabilang panig ng panga upang bawasan ang muscle activity.