January 24, 2026

Home BALITA

‘Iba na raw ang ipaglalaban?' Netizens, nilaro larawan ng nagkatitigang pulis at raliyista

‘Iba na raw ang ipaglalaban?' Netizens, nilaro larawan ng nagkatitigang pulis at raliyista
Photo courtesy: Kabataan Partylist

Nauwi sa ibang mga kahulugan ang nag-viral na larawan ng isang raliyista at pulis na nagkatitigan sa harapan ng picket line.

Sa kasagsagan kasi ng kilos-protesta ng iba’t organisasyon sa harapan ng House of Representatives noong Biyernes, Setyembre 5, 2025, naging usap-usapan sa social media ang isa sa mga larawang ibinahagi ng Kabataan Partylist sa gitna ng naturang demonstrasyon upang ipanawagan ang hustisya sa isyu ng flood control projects.

Makikita sa nasabing viral na larawan ang lalaking raliyista bitbit ang karatulang “Marcos Jr. pabaya, mamayan lubog sa baha.” Habang ang pulis naman ay nasa harapan na pirming nakakapit sa kaniyang bulletproof shield.

Ang naturang larawan, tila mabilis na niromantisa ng netizens na tila “forbidden love” daw ang atake.

Metro

Inuman ng mga kabataan, nauwi sa batuhan at sapakan sa kapitbahay

“Ang pag-ibig ay mapagpalaya, ang ibigin ka ay pakikibaka.”

“The tension? the feelings? the yearn?”

“Literal na POV ng jowa mong tibak at nobyo mong pasista HAHAHA”

“Sa mundong Puno Ng corrupt Nung Nakita kita ayoko Ng kumurap.”

“Oh ‘di ba? From enemies to lovers ang peg.”

“Pagtumingin ka, akin ka na.”

“Ito yung senaryo na makuha ka sa tingin.”

“Titig na kapag inaresto ka, sasama ka na lang.”

“Rally pa ba ‘to? O you belong with me na?”

“Literal na ikaw ang sumbungan kapag magulo na ang mundo.”

Maging ang caption ng isang Facebook page na “Mga himig na tugtugin kapag naglalakbay sa Maynila,” ay hindi pinalampas ng netizens.

"Sa kabilang buhay, gusto ko maranasan magkaroon ng good governance kasama ka,” saad nito sa caption.

Samantala, matatandaang nauwi sa girian ng pulis at raliyista ang naturang kilos-protesta matapos ang pagpapaulan ng mga demonstrador ng putik upang batuhin ang harapan ng gate ng House of Representatives na hinarangan naman ng pulisya.