December 16, 2025

Home BALITA National

‘Help is on the way:’ Unified 911 hotline, ikakasa na sa Setyembre 11

‘Help is on the way:’ Unified 911 hotline, ikakasa na sa Setyembre 11
Photo courtesy: DILG (FB), Pexels

Inanunsyo ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagkasa ng Unified 911 sa buong bansa sa Huwebes, Setyembre 11. 

Ayon sa Facebook page ng DILG, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na layong palakasin ang kaligtasan ng bawat pamilya at komunidad, ang Unified 911 ay isang single hotline na papalit sa mahigit 30 lokal na emergency numbers. 

“With Unified 911, every emergency call, whether for police, fire, medical, or disaster response, will now be routed through a single, integrated network linking the Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, and local governments,” saad sa nasabing post. 

Ang serbisyo nito ay libre at bukas 24/7, ito rin ay language-sensitive kung kaya’t ang mga tawag na isinagawa sa iba’t ibang diyalekto sa Filipino tulad ng Tagalog, Cebuano, Ilocano, Waray, at Tausug, ay maiintindihan ng agent at madaling marerespondehan. 

National

4 na lalaki, arestado; higit ₱44M halaga ng shabu, marijuana atbp., narekober

Ang target response rin ay 5 minuto, at ang naatasang call takers ay na-train para tiyakin ang tumatawag sa kalagitnaan ng krisis nitong kinakaharap sa pamamagitan ng linyang, “help is on the way.” 

Ibinahagi rin ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ang Unified 911 ay isang “lifeline” dahil pinahahalagan ng emergency hotline na ito ang buhay na nakasasalay sa bawat tawag. 

Ang 911 hotline sa bansa ay unang naisabatas noong 2018 bilang Executive Order (EO) No. 56, sa ilalim ng administrasyong Duterte bilang pamalit sa dating Patrol 117 system. 

Kung saan, layon na nitong palawigin ang public safety sa pamamagitan ng isang streamline o mas mabisang emergency response. 

Gayunpaman, ang kasalukuyang 911 response sa bansa ay mayroon pa ring mga emergency numbers na nakahiwalay, kung kaya nama’y ito’y nagdudulot ng pagkalito sa karamihan kung saan tatawag sa kalagitnaan ng sakuna. 

Sean Antonio/BALITA