Kinaaliwan ng netizens ang Facebook post ng batikang aktor na si Edu Manzano matapos niyang i-flex ang payong niya.
Sa kaniyang latest Facebook post nitong Sabado, Setyembre 6, 2025, tila "pang-savage tito" raw ang kaniyang atake habang hawak ang nasabing payong.
"Turning 70 in a few days pero fit and still on fire, may dumbbell, may rower, at syempre savage tito n'yo… At may payong pang-cover ng corruption, este ulan," ani Edu sa caption.
Samantala, tila ibang payong naman ang naalala ng netizens sa comment section ng nasabing post ng aktor na tinawag nilang "simbolo na raw ng korapsyon."
"Umbrella sikat symbol of corruption."
"Lodi, bawal din gamitin 'yan HAHAHA."
"Kaninong koste mo naman nakuha 'yan idol?"
"Milyones din ba presyo ng payong mo?"
"Hinuhugot din ba sa kotse 'yang payong na 'yan?
"Familiar 'yang payong na 'yan."
Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang kahawig na payong sa larawan ng aktor mula sa payong na ipinagmalaki ni Sarah Discaya na ngayo'y mainit na pinagpipiyestahan dahil sa kaugnayan niya bilang kontraktor ng maanomalyang flood control project.
Ang pamilya Discaya ay nagmamay-ari ng 28 luxury cars kung saan isa sa mga ito ang mainado si Sarah na binili lang niya dahil sa payong.
KAUGNAY NA BALITA: Sarah Discaya, aminadong binili ang isang luxury car dahil natuwa siya sa payong
Kabilang ang dalawang pang kompanya ng mga Discaya na Alpha & Omega Gen. Contractor & Development Corp. at St. Timothy Construction Corporation sa top 15 contractors na pumaldo umano sa flood control projects batay sa impormasyong isiniwalat mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.