December 20, 2025

Home BALITA Probinsya

Biro ng construction worker na nagkatotoo, nauwi sa pananaksak; 1 patay

Biro ng construction worker na nagkatotoo, nauwi sa pananaksak; 1 patay
Photo courtesy: Pexels

Nauwi sa pananaksak ang biruan nang magkainuman na construction workers sa Iloilo.

Ayon sa mga ulat, nasa duyan ang suspek nang magbiro ang biktima na puputulin niya ang tali ng nasabing duyan gamit ang itak. Katatapos lamang daw mag-inuman ng dalawa nang magbiro ang biktima.

Ilang sandali pa, bigla na lamang daw bumigay ang tali ng duyan ng suspek, dahilan upang siya ay malaglag.

Bunsod nito, doon na raw nagkasagutan ang dalawa. 

Probinsya

Sabunutan ng ilang LGBTQIA+ members at isang babae, sumiklab sa kasagsagan ng Simbang Gabi

Bago mangyari ang krimen, nakalabas pa raw ng barracks ang biktima upang pumunta sa isang tindahan kung saan ulit siya nag-inom.

Sumunod umano ang suspek at nang makalapit, saka sinaksak sa dibdib ang biktima. Sinubukan pang maisugod sa ospital ang biktima, ngunit kalaunan ay binawian din siya ng buhay.

Samantala, pinaghahahanap na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa reklamong murder matapos siyang tumakas sa crime scene.