Nagbigay ng mensahe si Vice President Sara Duterte sa lahat ng gurong Pilipino bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month.
Sa latest Facebook post ni Duterte nitong Biyernes, Setyembre 5, sinabi niyang hindi lang umano hinuhubog ng kaguruan ang kinabukasan, pinatitibay din nila umano ang mga halagahing nagbibigkis sa bansa.
“Teachers not only shape the future of a nation, they also fortify the values that hold a nation together, and in a democracy, instill the importance of freedom and the protection of our rights,” saad ni Duterte.
Dagdag pa niya, “Teachers build a nation through crowded rooms, limited resources, workload, and many other problems that have eroded the education system. And you serve with unwavering dedication.”
Kaya naman binigyang-pugay niya ang ambag na ito ng kaguruang nasa iba't ibang panig ng mundo.
“Binibigyang-pugay namin ang lahat ng mga gurong Filipino ngayong National Teachers' Month — sa buong bansa at saan man sa mundo na bahagi ng puwersa na humuhubog sa mga pangarap ng ating mga anak at sa kinabukasan ng ating bayan,” anang Bise-presidente.
Matatandaang si Duterte ang dating kalihim ng Department of Education (DepEd) matapos niyang magbitiw sa puwesto na kalaunan ay pinalitan ni dating Senador Sonny Angara.
MAKI-BALITA: Sen. Sonny Angara, itinalaga bilang bagong DepEd secretary