December 13, 2025

Home BALITA

'The Ghost vs The GOAT?' Sarah Discaya, mas malaki umano kinita kaysa sa buong career ni LeBron!

'The Ghost vs The GOAT?' Sarah Discaya, mas malaki umano kinita kaysa sa buong career ni LeBron!
Photo courtesy: via MB and Olympics

Isang Facebook page ang nagkumpara sa umano’y kinita raw ng kontraktor na si Sarah Discaya kumpara sa NBA superstar na si LeBron James.

Ayon sa Facebook post ng Full Court noong Huwebes, Setyembre 5, 2025, iginiit nitong, nakapagtala si Discaya ng kita na $563 milyon o katumbas ng ₱31 bilyon mula 2022 hanggang 2025. Mas mataas ito sa $528 milyon o ₱29 bilyon na kabuuang kinita ni James sa loob ng 22 seasons sa NBA.

“INSANE: A Filipina contractor made more than LeBron James’ entire NBA career earnings,” anang FB post.

Samantala,  batay sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), ang mga kumpanyang konektado sa pamilya Discaya ay nakakuha ng mahigit ₱31 bilyong halaga ng mga proyektong flood-control mula 2022 hanggang 2025.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Umani ng samu’t saring reaksyon online ang naturang paghahambing, kabilang ang mga biro na “MVP—most valuable projects” at “At least LeBron’s money is legit.”

“More funds in the Philippines bruh!”

“The King vs the King in*ng to.”

“Discaya the “GOAT “ = Greatest Of All Thieves.”“MVP - most valuable projects.”

“Balding vs flooding.”

“She did it in 3 years vs Lebron’s 2 decades..”

Naging sentro rin ng kontrobersiya ang umano’y yaman ni Discaya, kabilang ang koleksyon ng mga mamahaling sasakyan. Sa isang panayam, sinabi niyang pagmamay-ari niya ang 40 luxury cars gaya ng Rolls-Royce Cullinan (₱42 milyon), Maybach (₱22 milyon), Mercedes-Benz G60 (₱23 milyon), at Bentley (₱20 milyon), bukod pa sa Cadillac Escalades, Range Rovers, at GMCs.

Kabilang si Discaya sa mga kontraktor na iniimbestigahan sa Senado kaugnay ng umano’y iregularidad sa flood-control projects gaya ng kickbacks at kuwestiyonableng bidding practices.

KAUGNAY NA BALITA: Mga Discaya, isinuko natitira nilang luxury cars; hawak na lahat ng BOC