December 14, 2025

Home BALITA

Seniors, may 20% discount pa rin sa mga gamot kahit walang booklet

Seniors, may 20% discount pa rin sa mga gamot kahit walang booklet
Photo courtesy: MB

Nag-abiso ang Food and Drug Administration (FDA) na hindi na kailangan ipakita ng senior citizens ang kanilang purchase booklets para magkaroon ng 20% sa pagbili ng mga gamot at gamit pang-medikal noong Huwebes, Setyembre 4. 

Ang FDA Circular No. 2025-005 ay inilunsad alinsunod sa Department of Health (DOH) Administrative Order No. 2024-0017, sa ilalim ng Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, na nagbibigay 20% discount at VAT (Value Added Tax) exemption sa mga medisina at gamit pang-medikal ng senior citizens. 

Layon nitong bawasan ang alalahanin ng senior citizens sa pagkuha ng diskwento sa pangangailangang medikal sa pamamagitan ng pagpapakita na lamang ng valid ID na nagpapatunay ng nasyonalidad at edad. 

Ang ilan sa mga valid ID na ito ay ang Senior Citizen ID  na mula sa Office of Senior Citizens Affairs (OSCA), pasaporte, at iba pang government issued IDs tulad ng voter’s ID, SSS/GSIS ID, driver’s license, PRC ID, at Postal ID. 

Internasyonal

Intersection sa NYC, ipinangalan kay Dr. Jose Rizal bilang pagkilala sa Filipino community

Para naman sa mga iniresetang gamot o prescription medicine mula sa doktor, kailangan pa rin ipakita ang reseta, na dapat ay mayroong nakalagay na pangalan ng senior citizen na pasyente, edad, kasarian, at address. 

Kasama rin dito ang petsa, pangalan ng gamot, dosage, rekomendang dami ng gamot, pangalan ng doktor, pirma, address, at license number. 

Sa ikaapat na seksyon ng panuntunan, binanggit na makukuha ang diskwento at VAT exemption sa mga FDA-licensed na establisyemento tulad ng botika, optical shos, at tindahan ng mga over-the-counter na gamot. 

Sean Antonio/BALITA