December 14, 2025

Home BALITA Metro

Pagsugod ng mga raliyista sa DPWH, ekis kay Yorme: 'You are legally bound with your actions!'

Pagsugod ng mga raliyista sa DPWH, ekis kay Yorme: 'You are legally bound with your actions!'
Photo courtesy: contributed photo

Nilinaw ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na hindi raw niya kukunsintihin sa kanilang lungsod ang nangyaring kilos-protesta sa harap ng opisina ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong Huwebes, Setyembre 4, 2025.

Sa kaniyang press conference noon ding Huwebes, iginiit niyang hindi niya raw pahihintulutan ang mga protestang maninira ng mga opisina ng gobyerno at sumisisira sa payapang pamumuhay raw ng mga residente sa lungsod.

“I already directed General Abad and the MPD, I will not tolerate mob rule in the city,” ani Isko.

Dagdag pa niya, “I will not allow disturbing, destroying offices of government and particularly, allow to destroy the peace of any individual residing in the City of Manila.”

Metro

Asong naputulan ng dila sa Valenzuela City, resulta raw ng ‘dog fight’

Saad pa niya, maaari pa rin namang magsagawa ng mga demonstrasyon sa kanilang lungsod, ngunit sa tamang lugar lang daw.

“Kung gusto nilang ilabas ang kanilang mga hinaing at ang kanilang mga damdamin, malaya nilang magagawa iyon sa Maynila, doon sa aming mga freedom park,” anang alkalde.

Matatandaang sinabayan din ng pambabato ng mga raliyista ang harapan ng DPWH office bilang pagpapakita ng pagkondena at paniningil umano ng pananagutan nito sa korapsyon ng flood control project.

Bunsod nito, binigyang-diin ni Isko na may pananagutan daw sa batas ang nasabing aksyon ng mga raliyista.

“Matatanda naman na sila. Tingin ko naman, nakita ko doon, puro dise otso anyos pataas na eh. You are legally bound with your actions, violation of civil disturbance, violation of rights of any citizen,” saad ni Isko.

“We are a nation and city under the rule of law. Karapatan ng taumbayan, nino man, na magkaroon ng pamayanang may kapanatagan…But I will not tolerate any mob rule under my watch,” saad niya.