December 13, 2025

Home BALITA

Mayor Vico, iginiit na 'di bayad mga pulis na nakuhanang nasa harap umano ng compound ng mga Discaya

Mayor Vico, iginiit na 'di bayad mga pulis na nakuhanang nasa harap umano ng compound ng mga Discaya
Photo courtesy: Contributed photo

May nilinaw si Pasig City Mayor Vico Sotto hinggil sa kumalat na video ng mga pulis sa harapan umano ng compound ng mga Discaya.

Sa Thread post ng social media personality na si Shari Poquiz noong Huwebes, Setyembre 4, 2025, ibinahagi niya ang naturang video at iginiit na mismong ang pulisya raw ang kinuhang security ng mga Discaya.

“Wait a damn minute bakit PNP ang kinuhang security?! WOW HA BAYAD PA NG TAONG BAYAN ANG GINAWA NILANG SECURITY GUARDS?! Hoy mag-hire kayo ng sarili niyo. Oh my gosh nakakagalit lalo!!!!! Bakit naman pumayag din magamit ang PNP dito jusko. Pera pera talaga!” saad niya sa caption.

Samantala, nagkomento naman sa naturang post si Vico at nilinaw na hindi raw bayad ang mga pulis na nakuhanan sa video.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“In the video, they are in formation conducting a briefing. Pls don't insinuate that they are paid or being used. I don't have direct command but I have supervisory power over the local PNP,” anang alkalde.

Paglilinaw pa ng alkalde, pawang maximum tolerance daw ang ipinatutupad ng pulisya upang maiwasan na magkasakitan sa hanay ng mga demonstrador.

“Ang lagi naman namin napag-uusapan ay maximum tolerance. I actually admire people who are involved and who participate in these demonstrations BUT let's remember that if things get out of hand, it's the regular people, and not the corrupt that will more likely get hurt. They are there to protect us,” saad niya.

Matatandaang kabilang sa environmental group ng rally na nangyari sa harapan ng St. Gerrard ay ang grupong Kalikasan kasama rin ang iba pang mga indibidwal na may mga dalang bato at putik na itinapon nila sa gate. Ito raw pagpapakita nila ng kanilang galit at panawagang mapanagot ang mga Discaya sa umano'y kinasasangkutan nitong anomalya sa flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang grupo, pinagbabato ng putik ang gate ng construction compound ng mga Discaya

Maki-Balita: Pulisya, pinag-aaralan kasong isasampa sa mga raliyistang nambato, nag-vandalize sa St. Gerrard