Maging si First Lady Liza Marcos ay tila nabudol din ng construction company na pagmamay-ari ng pamilya Discaya.
Sa isang Instagram post kasi ng Firsty Lady nitong Biyernes, Setyembre 5, personal niyang inispeksyon ang Philippine Film Heritage Building na matatagpuan sa loob ng Intramuros, Maynila.
Aniya, “This is the so-called newly built Philippine Film Heritage Building—a 200 million project that was supposed to honor our filmmakers, writers, and artists and serve as the permanent home for Philippine cinema.”
“Instead,” pagpapatuloy ng First Lady, “what did we get? Leaking proofs, cracked walls, unfinished theaters, ceiling already stained with water — all in a building that hasn't even opened.”
Dagdag pa niya, “Seriously?! Mahiya naman kayo! Pati ito, ninanakawan n’yo ng dignidad. Our artists deserve respect — not this rotten monument of incompetence.”
Ayon sa mga ulat, iginawad ang nasabing proyekto sa Great Pacific Builders at General Contractor, Inc., na pag-aari ng mga Discaya.
Bukod dito, kabilang din ang dalawa pa nilang kompanya sa listahan ng 15 contractor companies na kumamal sa flood control projects sang-ayon sa datos na inilatag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Matatandaang inamin mismo ni dating Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya na mayroon silang siyam na kompanyang lumalahok sa bidding nang magkakasabay sa parehong proyekto ng gobyerno.
Maki-Balita: 9 na umano'y construction firm ng mga Discaya, isiniwalat ni Hontiveros