December 15, 2025

Home BALITA National

LTO, naglabas ng show-cause order sa mga driving school na mataas maningil

LTO, naglabas ng show-cause order sa mga driving school na mataas maningil
Photo courtesy: LTO (FB), House of Representatives (YT screenshot)

Nagbabala si Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza II na magbibigay ng show-cause order ang LTO sa mga driving school na may mataas ang singil.

Sa pagdinig ng Department of Transportation (DOTr) para sa 2026 budget appropriation nito sa Kamara noong Huwebes, Setyembre 4, isa sa mga isyung binanggit ay ang matataas na singilan ng ilang driving school sa mga aplikante nito. 

“Marami po tayong naka-show-cause diyan, may pending cases itong mga driving school po na ito na nang-aabuso sa kanilang mga aplikante,” saad ni Mendoza bilang pangunahing aksyon. 

Aniya pa, ikakansela nila ang akredistasyon ng mga driving school na umano’y mapang-abuso. 

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Itinaas din ni Pampanga 4th District Rep. Anna Bondoc ang isyu sa mataas na presyo ng pagkuha ng driver’s license, na kaniya ring tinawag na “gintong lisensya,” dahil umaabot daw ang presyo nito ng ₱ 9,000. 

Samantala, iginiit pa ng LTO chief na malugod nilang iimbestigahan ang isyung ito at bibigyang-aksyon.  

Sa kasalukuyan, ginawa na ng LTO na online ang driver’s license renewal sa layong mabawasan ang mga bayarin ng mga nagmamaneho, at para na rin mas ma-monitor ng ahensya ang mga proseso. 

“Mas lalo po natin palalakasin ang ating free theoretical driving school especially po sa ating mga bagong aplikante,” saad ni Mendoza. 

Sean Antonio/BALITA