January 26, 2026

Home BALITA

Lalaking tamang trip lang, sumampa sa likuran ng umaandar na kotse

Lalaking tamang trip lang, sumampa sa likuran ng umaandar na kotse
Photo courtesy: Kevin Flores (FB)

Usap-usapan ngayon sa social media ang ginawang pagsampa ng isang lalaki sa likuran ng umaandar na sasakyan sa gitna ng kalsada. 

Makikita sa inupload na video sa Facebook ni Kevin Flores ang isang nakahubad na lalaki na nasa pagitan ng kaniyang sasakyan at kotseng nasa kaniyang unahan.

Naaktuhan ni Flores ang pagsampa ng lalaki sa likuran ng kotse at matapos ay umupo pa rito. 

Makikita rin sa video na namataan ng nasabing lalaki na kinukuhanan siya ng video ni Flores ngunit mas nagtuon pa ito ng atensyon sa pagbibidyo sa kaniya. 

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Ayon sa caption ni Flores, tila nasa likod lamang ng eksena ng isang Hiphop music video ang lalaki ayon sa postura nito habang nakaupo sa sasakyan. 

“Behind the scene,” saad ng uploader sa viral post. 

Halo-halong reaksiyon naman ang naipon ng viral na video ngayon mula sa tao online. 

Narito ang ilang mga komento na iniwan ng mga taong nakapanood sa naturang video: 

“Pg mluwag n s hrapan.. Isang mdiing tapak lng. Hhlik s aspalto yn.” 

“Wala ba bum*ril nito?” 

“Airsoft lang katapat Nyan. Tanggal amatz Nyan.”

“Agnas!”

“The driver was kind, he let the kid experience riding in a BMW even if it was just angkas.”

“Buhay pba to?”

“Sab*g sa r*gby, brake test lang yan laglagyan.”

“2 jo*nts parang Muffler..”

“Hahaha atleast naka BMW.” 

“Nothing beats a Jet 2 Holiday. And right now you can save 50 pounds per person.”

Samantala, wala naman nabanggit ang uploader tungkol sa pagkakakilanlan ng nasabing lalaki. 

Wala pa ring ulat sa mga ahensya ng Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa viral na pangyayari sa kalsada. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita