December 13, 2025

Home BALITA National

Lahat ng opisyales ng DPWH, nagsumite na ng courtesy resignation—Sec. Dizon

Lahat ng opisyales ng DPWH, nagsumite na ng courtesy resignation—Sec. Dizon
Photo courtesy: House of Representatives (YT screenshot), DPWH (FB)

Ibinahagi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon na 100% na ng mga opisyales sa ahensya ang nagsumite ng courtesy resignation. 

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations nitong Biyernes, Setyembre 5, ibinahagi ni  Dizon na kasalukuyan niyang nire-review ang mga courtesy resignation na isinumite ng mga opisyales mula central office hanggang sa district offices ng DPWH. 

“A lot of people have submitted. I will double-check, but I think at least from the central office, everyone has submitted already. 100% na pong nag-submit. We are now in the process, Madam Chair, in reviewing,” aniya. 

Sa kaugnay na balita, ang direktibang courtesy resignation ng mga opisyales ay para sa “paglilinis” o “clean sweep” sa ahensya sa layong maibalik ang tiwala ng publiko at masigurado na ang pondo ng bansa ay magagamit sa mga proyekto. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Kasama rin sa direktiba ni Dizon ang diretsong “lifetime blacklisting” sa mga kontractor na mapapatunayang nagpapalakad ng mga “ghost projects” at substandard projects nang hindi na dumadaan sa imbestigasyon. 

KAUGNAY NA BALITA: Mga kontraktor ng ghost projects, ‘lifetime blacklisted’ sa DPWH – Dizon

Sean Antonio/BALITA